Forty

452 19 0
                                    

Forty

“Magaling na ang paa mo? Hindi ka na ba hirap maglakad?” Tanong saakin ni Jelan habang hinihilot-hilot ang paa ko. Napapatitig ako sakanya.

Ano nga kaya talaga ang rason mo kung bakit hindi mo na ako kinontak noon?

Napadako ang tingin ko kay Ren na may kakaiba na namang nginingiti ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi kalaunan ay nagbukas ang pinto at lahat kami ay napatingin doon.

Unang bumungad saamin ang napakalaking boquet of roses. Nagulat pa ako ng ibinigay ito diretso saakin, pagtingin ko kung sino, si Lucas pala.

“Para saakin ito?” pangungumpirma ko rito. Ngumiti siya at tumango.

“Insan ang akin nasaan?” sabi pa ni Ren habang inilalahad ang kamay niya. Bigla akong napa-aray dahil sa pagpisil ni Jelan ng paa ko.

“Sorry.” Tanging sambit niya.

“Dahan dahan naman po, nasasaktan siya.” Napa-oww ako ng sabihin iyon ni Lucas, sinamaan siya ng tingin ni Jelan.

“No, hindi siya masasaktan sa ganyan. Ako ang Doctor niya kaya alam ko.” Inayos lang niya sa pagkakahiga ang paa ko at nagpaalam saamin.

Padabog niya ring isinara ang pintuan na kinadahilan ng hindi matigil na paghalakhak ni Ren.

“Ano bang problema nun?” inis na sambit ni Lucas at tsaka tumingin ulit saamin ng seryoso.

“May gusto ba kayong kainin? Sabihin niyo lang bibili ako.”

“Hmmm, ako gusto ko ng pasta, fruits, pizza at cake” sabi ni Ren. Sinamaan siya ng tingin ni Lucas.

“Hindi ikaw ang tinatanong ko.” Aniya. Tumingin siya ng seryoso saakin at hinihintay ang sagot ko.

“Kahit yun nalang sinabi ni Ren, okay na ako doon.” Sabi ko sakanya at wala pa ngang ilang minuto ay lumabas na nga ito.

“Lakas mo sa pinsan ko ah.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Di siya ang tipo ko, alam mo namang di ako mahilig sa malalaki ang katawan. Pakiramdam ko kasi bakla sila.”

“Bakit ano bang mga tipo mo?”

Sandali akong napaisip. “Hmmm, gusto ko yung makikinis, malinis sa katawan, maputi. Medyo matangkad saakin tapos hindi pang wrestler ang pangangatawan tapos medyo mahaba ang buhok” napahalukipkip siya.

“Sigurado ka bang ideal guy mo yan o si Jelan yang dine-describe mo!” napaiwas ako ng tingin sakanya.

“Hindi no. Bakit ko naman ide-describe yun, nakalimutan mo na ba yung sinabi ko kagabi. Kakalimutan ko na siya.” At ayan na naman siya, hindi na naman siya matigil sa pagtawa.

Bahala ka na nga diyan.

Hinila ko ang dextrose ko at tumayo, sumunod din naman siya saakin. Nakakapit ako sakanya habang naglalakad, magpapahangin muna kami.

Pareho kaming napatingin ng may pinagkakaguluhan ang mga nurse doon sa isang room, nagaalala din ang mga itsura nila.

Sinikap naming dalawa na makasilip kaso parang bigla akong nagsisi-

Nakita ko siyang, pawis na pawis habang may nire-revive na pasyente.

“Anong gagawin natin, kanina pa siya diyan. 30 minutes na niyang ginagawa yan. Baka bumigay na si Doctor Crush.” Napatingin ako sa mga nurse na naguusap habang tutok na tutok sila kay Jelan.

“Ilang araw na din siyang walang tulog dahil doon sa dalawang babaeng sinugod sa E.R.” nagkatinginan kami ni Ren at parehong napaturo sa mga sarili.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon