Forty Two

448 16 0
                                    

Forty Two

"Liligawan na kita" ilang beses na akong nakakainom ng kape dahil sa hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya.

Kanina pa ako wala sa sarili, ilang beses narin akong napagalitan ng Boss ko dahil sa mga kapalpakan.

Ano ba, Mr. Tahimik parang awa mo na, tigil tigilan mo na ako. Naka-move-on na nga ako sayo tapos magpapakita ka ulit at sasabihin ang mga salitang kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na sasabihin mo sa oras na magkita tayo ulit.

Napahinga ako ng malalim. "Is there a problem?" kaagad akong napatayo dahil sa sinabi ni Sir, Louie. Nasa tapat ko na pala siya.

"W-wala sir." nagtuloy na siya sa paglalakad at tumingin ulit saakin. "I heard pumunta dito ang boyfriend mo."

"H-hindi ko po boyfriend yun Sir." sabi ko sakanya.

Inibahan ko niya ako ng tingin. "Mas maganda nga na may boyfriend ka para hindi ka ganuon ka na-i-stress sa trabaho" aniya at tuluyan ng pumasok sa loob ng elevator.

Of all people na magsasabi saakin nun, hindi ko aakalain na sasabihin yun saakin ng amo ko. Expected ko na papagalitan niya ako sa tanong niya saakin e kaso anong ibig niyang sabihin doon? Alam din siguro niya na nakaka-stress nga naman talagang pagsilbihan siya.

Pagod kung pinatay ang monitor ng computer at bumaba sa Lobby. Pasado alas nuebe na din ng gabi. Naglalakad na ko sa at papara na sana ng taxi ng biglang mapakunot noo ako ng makita ko siyang nakasandal sa kotse niya.

Lumapit siya saakin.

"Ano na namang ginagawa mo dito?" tanong ko rito.

Kinuha niya ang bag ko. "Susunduin ka." tipid na sambit niya habang nakikipagagawan ako sa bag ko.

"At sino namang may sabing nagpapasundo ako sayo?" pagtataray ko.

"Wala. Ayoko lang na mag-isa kang uuwi." tiningnan niya ako mula ulo hanggang talampakan. Pst! Anong ibig sabihin niya sa mga tingin niyang ganyan. Nagtaka ako sa inakto niya may kinuha siya sa loob ng kotse, puti itong damit at lumapit saakin.

Hindi ko mabasa ang gagawin niya. Nagulat nalang ako ng bigla niya itong ipinatong sa balikat ko, ipinasok niya rin ang kamay ko roon. Sinuot niya saakin ang Hospital Gown Uniform niya.

"Masyadong maikli ang suot mo. Ayokong pinagpipyestahan ng mga tao ang legs mo. Sa susunod magsuot ka ng mahabang palda na aabot hanggang paa" Napanganga ako sa sinabi niya.

Ano nalang magiging itsura ko nun, Manang? Baka mapatalsik ako sa trabaho kapag sinunod ko ang gusto niya.

Wala akong imik habang nasa loob na ng sasakyan, hinayaan ko siyang magmaneho.

Ayoko siyang pansinin.

Ngunit kanina pa ako napapakunot noo dahil ang dinaraanan namin ngayon ay ang daan papunta sa Condo ko.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Wala sa loob na tanong ko sakanya. Sinulyapan niya lang ako sa sandali at itinuon ulit ang atensyon sa manibela.

Nakikipag usap na naman ako sa hangin.

Wala naman akong natatandaan na binanggit sakanya kung saan ako nakatira.

Iniba ko ang posisyon ng tingin ko at ni kahit isa ay hindi ko sinubukang sumulyap sakanya. Pinilit ko ring ipikit ang aking mga mata para kahit papaano'y mapakalma nito ang pagtatalon ng puso ko.

Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan kaya unti unti akong napadilat ngunit- mas lalong kumabog ang dibdib ko ng magtama ang paningin naming dalawa.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon