Twenty Five
"Okay kana ba?" Hindi ako makatayo habang nakadilat ang mata kong nakatingin kay Tita. Nagaalala ito.
"Nasaan ako Ta?" Tanong ka sakanya.
Naluha siya habang nakatingin saakin. "Pinapakaba mo akong bata ka, buti at maaga ako nakauwi dahil kung hindi baka kung ano na ang nangyare sayo, ano nalang mukhang ihaharap ko kay Kuya kapag nagkita kami sa langit na pinapabayaan kita?" kaagad kong hinawakan ang kamay niya at pinakalma.
"Sorry po!" Niyakap niya lang ako ng mahigpit at tinawag na ang Doctor, mukhang nasa Hospital kami.
Pinilit kong bumangon ngunit di talaga kaya ng katawan ko, kaya minabute ko nalang na humiga at matulog ulit.
~*~
Nagising ako ng hating gabi, tulog na din si Tita na nakahawak pa sa kamay ko. Ginising ko siya.
"Tita!" Tawag ko sakanya.
"Hmmm, bakit? May kailangan ka? Nauuhaw ka ba?" Tanong kaagad nito at itinali ang buhok niya.
"Nauuhaw po, kumain kana?" Tanong ko rito. Kilala ko kasi siya alam kong kapag natataranta siya e, nakakalimutan niyang kumain.
"Hindi pa, nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" tumango ako. Kahit wala akong gana, ay pipilitin ko para lang makakain si Tita. Nagpaalam lang siya saakin at lumabas na.
Napatingin ako sa bintana, umuulan parin pala.
Kinuha ko ang phone ko sa table at in-on ito. Ang daming misscall galing kila Ren-Rap, napatigil ako sa pag scroll down nung nakita ko ang pangalan niya.
Napahinga ako ng malalim bago ilapag ulit at patayin ang phone pero-nag pop-up ulit ang pangalan niya.
Calling Mr. Tahimik...
Hindi ko alam kung ano na naman ang sumasagi sa isip ko at nagdadalawang isip na naman akong sagutin iyon, nagsabi na ako kanina na titigil na ako pero traydor na naman ang puso ko.
Napapikit ako at kusang gumalaw ang kamay at sinagot ito.
Hindi ako nagsalita.
"Hello" nagunahan na naman ang luha sa mata ko. Narinig ko lang ang boses niya.
"I know you're in there" huminga ito ng malalim.
"May sakit ka daw, about sa nangyare kanina I'm really sorry" kinagat ko ang labi ko para hindi niya marinig ang hikbi na nililikha ko..
"Y-yung mga narinig mo, its not what you think. Hindi mo pa ako pinapa-" hindi ko na kaya. Pinatayan ko na siya. Ayoko ng marinig ang mga explanation niya, para saan pa?
Para umasa at magmukha na naman akong tanga?
Naaawa na ako sa sarili ko. Tama na yung nakuha kong sagot kanina, ayoko ng dagdagan niya pa.
Kaagad kong pinunasan ang luha sa mata ko ng biglang dumating si Tita. Alam ko kasing magaalala na naman siya.
Hinanda niya lang ang kakainin namin at sinubuan ako.
"Ang sabi ng Doctor, kailangan mo pa daw ng Test dahil baka magka Pneumonia ka, alam mo namang mahina ang immune system mo. Nagpapaulan ka!" Sumubo na siya ng pagkain.
"Sorry na po..." paglalambing ko sakanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at kumain ulit.
"Binalita ko na din ito kila Lola, luluwas daw sila ng Maynila bukas para may nagbabantay sayo rito para makapasok ako, ang sabi ng Doctor baka 5 days ka pa makalabas if maganda ang naging findings mo. Ako na bahala magexcuse sayo sa mga teacher mo, sinabihan ko na din ang mga kaibigan mo." Napatango tango ako.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Ficção AdolescenteA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...