Thirty Four
Bakasyon na at napapabuntong hininga nalang ako ng makita ko ang sarili ko sa napakahabang sakahan.
Nasa Batangas ako.
Nakakaiyak, walang signal at walang internet. Wala rin akong balita sa nangyayare sa Manila at higit sa lahat, walang Mr. Tahimik.
Halos gabi gabi akong napapaluha dahil miss na miss ko na siya.
Napasimangot ako habang nakaupo sa bahay kubo dito sa kalagitnaan ng bukid, inutusan kasi ako ni Lola na pagdalhan si Lolo ng makakain kaya ako'y nagtitiis sa napaka-init na araw.
"Lo, kumain na daw kayo" sigaw ko kay Lolo. Madami siyang mga kasama siguro mga dalawampo sila at lahat sila ay pinagdalhan ko.
Kaya bukod sa napabigat at napakainit, muntik pa ako mahulog sa ilog kanina.
Ngumiti lang si Lolo sa akin at pinagtatatawag na ang mga kasamahan niya. Masaya silang lumapit sa pwesto ko at nagsimula ng kumain.
Tahimik lang ako sa isantabi at nagheadset, hinihintay ko lang sila matapos para madala ko na pabalik sa bahay ang pinaglagyan ng pagkain nila.
Napakunot noo ako ng biglang tumabi saakin si Joseph, ang apo ng isa sa pinagkakatiwalaan ni Lolo si Manong Tambo.
"Pst, Enid." Tawag niya ng pansin saakin.
"Hmmm." Ininguso niya saakin ang hawak kong phone.
"Iyan ba yung tinatawag nilang cellphone?" Tanong nito saakin. Tumango ako.
"Hindi ka pa nakakakita nito?" Tumango siya sa sinabi ko. Hindi ako makapaniwala, may tao pa palang hindi nakakakita ng cellphone.
Ilang minuto ko siyang inaliw sa mga features dito, matapos nun ay bumalik na rin sila Lolo sa ginagawa nila. Pinalilim ko lang ang araw at unalis na din sa bukid.
Pagbalik ko sa bahay ay naghihintay kaagad saakin si Lola na may hawak na telepono.
"Dalian mo, apo kakausapin ka daw ni Jelan" napakunot noo ako sa sinabi niya.
Natutuwa ako sa pagtawag niya pero bakit parang mas kinabahan ako.
Masigla kong sinagot ang telephone. "Hello, why? Miss mo na ako."
Hindi ko siya narinig na magsalita. Hindi siya umiimik.
"Bakit? May problema ka?" Kinakabahan na ako.
Ou alam kong tahimik siya pero kapag mga ganito, alam kong may sasabihin siyang mahalaga.
"Si J-Jamie" hindi ako nakapagsalita. "We need to go to U. S para pagamutin siya. At mukhang doon na ako magaaral." Hindi ako nakapagsalita.
"T-talaga?" Kinakabahang sambit ko.
"Galit ka?" Malambing na sambit niya saakin.
"Hindi." Tipid na sagot ko.
"Kailan ka babalik dito?" Tanog niya. Napapikit ako. Nawalan ako ng gana sa mga iniisip ko. Parang gusto ko nalng magmukmok ngayon sa kwarto.
"Hindi ko pa alam, tawagan mo ako if babalik kana dito."
"Ou." At pinatay ko na. Napatulala ako at ilang minutong nakapikit.
Nasalubong ko din si Lola pero nagdiretso lang ako saaking kwarto at buog hapong nagkulong. Nakatulala lang ako, ni walang lumalabas na luha sa mata ko.
Ang daming pumapasok sa isip ko, tulad ng paano ang magiging 4th year ko, sino ang makakasama ko? Sinong magtuturo saakin? Sino kasabay kung umuwi? Sino na ang tititigan ko.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Novela JuvenilA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...