Eighteen
Huli naming pinuntahan ay ang Skyranch na kung saan ay may iba-ibang rides. Kaagad nanlaki ang ngiti sa labi ko dahil mukhang magiging 2 in 1 ang List na plinano ko.
Halos lahat ng Rides ay hindi naming pinalampas, hindi rin naging kill-joy si Mr. Tahimik dahil umaayon din ito sa mga gusto namin.Pagod naming isinandal ang aming mga sarili sa kotse hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Naimulat ko ang mata ko ng bigla ako makaramdam ng bigat sa ulo ko, doon ko lang napagtanto na nakapatong pala ang ulo ko sa balikat niya at nakapatong din ang ulo niya sa ulo ko.
Nangiti-ngiti si Ren ng mapansin niyang nagising na ako. May ipinakita din siyang picture saakin, kinuhanan niya pala kami ng litrato.
Nanatili lang ako sa ganuong posisyon hanggang sa napansin ko ang pag-galaw niya, napapikit kaagad ako dahilan para magtawanan sila Kuya Lei at Ren.
Anong gagawin ko? Ayoko namang isipin niya na gustong kong nakapatong ang ulo niya sa ulo ko.
Nagbilang ako ng sampung Segundo at nagkunyareng kagigising lang at mas lalong nagsihagalpakan sa tawa yung dalawang nasa unahan.
Nahiya ako bigla, Ou na! Alam kong hindi ako magaling umarte.
"S-sorry" tanging naging bigkas ko kay Mr. Tahimik. Tiningnan niya lang ako at itinuon na ulit ang tingin sa daan.
Halos dalawang oras ang naging byahe namin para lang makauwi kaya nung nasa tapat na kami ng Apartment ay nagpasalamat kaagad kami sa dalawa.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Paggising ko kinaumagahan ay wala na si Tita. Nag-iwan lang siya ng note sa mesa. Tamad lang akong kumain sa kusina habang napikit-pikit pa ang mata, nakatanggap din ako ng chat galing kay Ren, pagopen ko ay picture pala namin ito ni Mr. Tahimik.
Napangiti ako. Ang ganda ng pagkakakuha. Pwede kong ipang wallpaper sa phone ko.
"Thank you" reply ko sakanya.
"Oh ano, nagising kana!"
"Ou."
"Good" iyan na ang huli niyang chat at nagtuloy na ulit ako sa pagkain.
~*~
Naiwan akong magisa sa kwarto habang tinititigan ang To Do List niya."Things to do before I die"
To be Love by Someone
To Have a Friends
To go for a Overnight Vacation
To be kissed
To go for Travel
Ride different rides in Amusement Park
Go for a Road trip
To see a beautiful sunset
To see my family happy
To hold her handsSa Sampung ito tatlo nalang ang hindi ko nagagawa, hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong ipagpatuloy o ititigil ko na.
Napahinga ako ng malalim at itinabi ang To do List na iyon, maybe tama na. Agapan ko na habang kaya ko pa. Tama na siguro yung mga nagawa ko para sakanya.
Itinago ko ang papel na iyon sa photo album ko at kung gaano lumipas ang oras sa pagtulog ko ay ganun din kabilis lumipas ang oras para saaming mag-aaral. Naging busy kami sa pagaaral at ni halos hindi na kami ganuon ka nagkikita ni Mr. Tahimik dahil sa mga projects and assignment.
Nagha-hi lang ako sakanya kapag nakikita ko siya sa elevator o kung san pa man. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang pagaaral.
Lumipas ang Second Year High School na walang ka-impro-improvement sa pakikitungo niya saakin, Iniisip ko nga kung hangang paghanga nalang ba talaga ang feelings ko para sakanya. Hindi rin kami naging magkaklase nung 2nd Year kaya medyo di ganuon kadalas ang encounter namin sa isa-isa.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Teen FictionA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...