Twenty Nine
Isa isa kong pinagbubuksan ang mga papel na ibinigay niya saakin ng makarating ako sa kwarto.
May namuong ngiti sa labi ko.
"Sorry"
"Enid"
"Please"
Paulit ulit lang ang mga sulat na ito sa halos sampung papel pero napapatunaw nito ang puso ko.
Naghalungkat ako ng hindi gamit na notebook at isa isang pinagdidikit ito roon. Itinago ko ito sa drawer at lumabas ng kwarto, tahimik lang akong naupo sa couch habang naghahain na si Tita.
"Gusto mo ba ng dessert ngayon?" Tanong niya saakin.
"Tulad ng?" Balik ko ng tanong sakanya.
"Ice cream? Natatakam ako mag ice cream"
"Ikaw bahala Ta."
"Kumuha ka ng pera sa wallet ko at bumili ka ng Ice cream sa labas" napasmirk ako sakanya. Kaya pala may patanong tanong pang nalalaman, ako din pala uutusan.
Sinunod ko ang gusto ni Tita, bumili nga ako ng Ice cream sa convenience store. Pagbalik ko sa Apartment, napakunot noo ako ng makita ko si Aiza na parang may hinihintay sa Guard house.
Napaayos din ito ng tayo ng makita ako.
"D-dito ka nakatira?" Nagtatakang tanong niya saakin. Tumango ako.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Balik ko ng tanong sakanya.
"Kikitain ko lang si Jelan" natigilan ako. Anong kailangan niya kay Jelan at kailangan niya pang pumunta dito? Bigla ring nag-ring ang phone niya at nung napatingin ako kung sino ang caller ay mas lalong napakunot ang noo ko.
Raf Calling...
Sobrang bilis niyang itinago ang phone niya ng makita niya akong nakatingin dito kaya umiling iling na ako at umalis doon. Sa elevator ay nakasalubong ko si Mr. Tahimik. Palabas na siya rito samantalang papasok naman ako, ilang segundo kaming nagkatitigin at tsaka siya humakbang...
May masama na naman atang pumasok sa isip ko at bigla kong hinawakan ang kamay niya na animoy nagmamakaawang huwag siyang tumuloy.
Ngumiti siya saakin at hinarap ako.
"Babalik ako." Sabi niya at tuluyan ng unalis.
Pinagmasdan ko lang siya, bigla na namang napako ang mga paa ko at hindi makaalis sa lugar na iyon. Nagiinit ang mata ko.
Nakabalik lang ako sa sarili ko ng makita kong tumatawag na si Tita. Dire-diretso ang pasok ko sa Unit, inilapag ko ang Ice cream sa table at nagkulong sa kwarto.
Rinig ko rin ang panay na katok ni Tita at tanong kung okay lang ako kaso wala akong ganang makipagusap ngayon.
~*~
Maaga ako pumasok sa school dahil ayoko talagang makasabay siya sa pagpasok. Kinausap ko din ang nakaupo sa harapan na makipagpalit saakin ng upuan for the mean time. Kaya buong hapon akong nasa harapan,nakinig at hindi lumilingon sa likod ko. Ramdam ko rin ang pagvibrate ng phone ko ngunit nung tingnan ko kung sino ay agad ko ring shinut-down. (Mr. Tahimik)
Breaktime, hinila ko kaagad palabas si Ren. Ayokong makausap si Mr. Tahimik at maging si Ren.
Pansin ko din ang panay na sulyap saakin ni Aiza pero hindi ko siya pinapansin.
"Yah, ano na naman ba ang problema mo? Bakit sa unahan ka umupo?" Inis na tanong saakin ni Ren.
Dinala ko kaagad siya sa Rooftop ng matapos kami kumain.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Ficção AdolescenteA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...