Sixteen
Tamad akong bumaba ng taxi habang bitbit ang back pack at dalawang Plastic Bag na dala ko, sa wakas ay nakauwi nadin galing kila Lola.
Buong bakasyon akong nakila Lola sa Batangas, biruin niyo halos dalawang lingo akong nanduon. Simula nung nangyare sa Elevator ay hindi na ulit kami pinagtagpo dahil kinaumagahan nun ay biglang tumawag sila Lola para pauwiin ako ng Batangas at doon na muna ako sakanila.
Si Tita naman ay mabilis nilang napapayag kaya boring na boring ako buong bakasyon.
Sinalubong ako ni Tita sa Gurad house, marami akong dalang mga prutas dahil mapapatay ako ni Tita kapag wala akong dalang pasalubong.
Tigiisang balot kami ng Plastic Bag habang papasok sa loob ng elevator.
“Kamusta bakasyon mo?” binigyan ko ng masamang tingin si Tita. Napangisi naman kaagad siya.
“Okay lang yan, namiss ka lang nung matatanda. Pagbigyan mo nalang. Matagal na naman kayo magkikita nun dahil maguumpisa na naman ang pasukan” Napatango nalang ako sa sinabi ni Tita at sumunod na sakanya palabas ng Elevator.
~*~
Napahiga kaagad ako sa aking kama at pinilit na pumikit. Dalawang lingo ko tuloy siyang hindi man lang nasilayan, kahit na ba nakakahiya yung huli naming pagkikita ay nami-miss ko padin siya.
Nandiyan kaya siya sa bahay nila?
Pero teka- saan nga pala sila sa floor na ito nakatira?
Bakit di ko man lang naisip yun?
Nagbihis ako ng pambahay at lumabas ng kwarto, nadatnan ko si Tita na nasa Sala at gumagawa ng Lesson Plan, malapit na kasi ang klase kaya busy na ulit siya sa pag-prepare.
Kinuha ko lang ang phone ko na nakapatong sa TV at lumabas. Sumilip pa ako sa may pintuan, mamaya kasi ay nasa paligid lang pala siya. HIndi man lang ako makapaghanda.
Sinarado ko lang ng maayos ang pinto at nagmartsa na sa buong 4th floor, nagbabakasakali ako na baka bigla siyang lumabas sa bahay nila para naman kahit papaano malaman ko na kung anong unit siya rito ngunit wala akong makitang anino niya.
Napuntahan ko na ang magkabilang dulo ng 4th floor pero wala talaga. Umakyat ako sa 5th floor at doon ko nakasalubong ang Landlord namin na sa pagkakatanda ko ay Dad niya.
Masigla ko itong binate… “Oh, ija andito ka pala” masiglang bati niya saakin.
“Opo, kakarating ko lang po galing sa bakasyon” tugon ko.
“Mabuti naman at nagbakasyon ka, balita ko kaklase mo daw ang anak ko. Totoo ba ito?”
“Ah, opo”
“Nako, tamang tama para kahit papaano may nakakausap na yung batang iyon. Palagi kasing magisa” Alam din pala ng Dad niya na palaging tahimik si Mr. Tahimik ko.
“Nagaalala nga ako, walang kaibigan” aniya. Malapad akong napangiti.
“Ako po, kaibigan niya ako” excited na sambit ko. Sandali siyang natahimik at tsaka napangiti.
“Naku, talaga? Hindi ka niya saamin naku-kwento, mabuti naman at may kaibigan na siya. Gusto mo bang pumasok muna at mag-juice?” kaagad nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
Maya-maya din ay binuksan niya ang pintuan ng Unit nila, unang bumungad saakin ang Mom niya, o jusko napaka-ganda nito. Aakalain kong kaedad lang ito ni Tita dahil sa baby face na mukha nito.
“Loraine, siya pala yung bago nating lipat na kapitbahay yung umuupa sa baba” pakilala saakin ni Mr. Landlord.
Lumapad ang ngiti ko ng ngumiti ito saakin. “Ah- nice to meet you ija.” aniya at iginaya ako sa Sala nila.
OMG. Ang ganda ng disenyo ng loob ng bahay nila. Medyo malaki ito kaysa saamin apat ang kwarto nila. Mamahalin rin ang mga kagamitan na narito.
“Kaklase siya ni Jelan” rinig kong bulong ni Mr. Landlord kay Ms. Loraine. Hindi ko pa kasi alam kung anong itatawag ko sakanila kaya tatawagin ko nalang muna sila sa paraang gusto ko.
“Oh, really?” aniya. Nagtungo siya sa kusina at ipinagtimpla ako ng juice.
“Kung ganuon nako alam mo na siguro kung gaano ka bookworm yung anak ko.” Kaaagad akong napatango-tango sa sinabi ni Ms. Loraine.
Iniabot na saakin ni Ms. Loraine ang maiinom at tinanggap ko naman kaagad iyon.
“Ano nga pala ang pangalan mo ija?” tanong niya saakin.
“Enid Vergara po” malumanay sa sagot ko. At ininum ang juice na binigay niya.
Maya-maya ay biglang bumukas ang isang kwarto at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Mr. Tahimik na nagkakamot ng ulo habang---- Omygos. Nakaboxer at T-shirt lang.
Kaagad akong nasamid sa iniinom ko, nanlaki din ang mata ni Ms. Loraine ng makita niya ang anak niya ngunit hindi ata kami napansin ni Mr. Tahimik at nagdiretso lang ito sa Ref upang kumuha ng maiinom.
Pinaypayan ko ang sarili ko habang napasulyap sa Dad niya na hindi maitago ang ngiti. Kanina pa siguro ito nago-obserba sa nangyayare. Tumayo si Ms. Loraine at nilapitan si Mr. Tahimik na nakapikit pa habang umiinim ng tubig.
“Hoy, mag short ka nga, may bisita tayo” sambit ni Ms. Loraine, halos maibuga ni Mr. Tahimik ang iniinom niya sa mukha ni Ms. Loraine ng magtama ang paningin naming dalawa.
Bigla akong namula…
Tinakpan ko nalang ang mata ko habang ramdam ko ang pagtakbo niya pabalik sa kwarto niya.
Si Ms. Loraine naman ay awkward na napangiti saakin.
“Pagpasensyahan mo nalang ang anak ko, ganyan kasi yan dito sa bahay” Kaagad kumislap ang mga mata ko. Ang manyak ng mga iniisip mo Enid. Dapat pala araw-araw akong nagpupunta rito para palagi ko siyang makita ganuon.
Napahalakhak ako na kinadahilan ng pagtataka ng mag-asawa. Ngayon hindi na ako mahihiya dahil sa Bra incdent dahil patas na kaming dalawa.
Umalis na ako ng maubos ko ang juice ngunit di parin mawala-wala sa isip ko ang boxer short na suot niya.
Medyo nakakalayo na ako sa unit nila ng di ko na mapigilang hindi matawa. Ang kaninang halakhak na pilit kong itinatago sa harapan ng parents niya ay sumabog na.
Maluha-luha pa ako ng may marinig ako nag “Ehem” sa likod ko. Pagtingin ko ay siya na pala. Napatahimik ako.
“H-Hindi kita tinatawanan ah, may naalala lang ako” pagpapalusot ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin at nauna ng maglakad saakin. Pssss.
Nasa 4th floor na kami ng bigyan niya ako ng kakaibang tingin.
“Hindi ka pa ba, lalabas?” aniya. Sinulyapan ko lang siya at lumabas na rin.
Ang suplado talaga.
Nagsara na ang elevator ng may biglang pumasok na alaala sa isip ko.
‘Kung sa 5th floor siya nakatira, bakit nung una kong lipat dito ay 4th floor ang pinindot niyang floor? Hindi naman siguro niya alam na ako ang lilipat diba? Pero bakit nga? Anong meron at palagi siyang gumagawi sa 4th floor?’
Biglang namula ang pisngi ko sa mga naiisip ko.
‘Dahil ba saakin?’
Imposible.
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Teen FictionA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...