Twenty Two

451 18 0
                                    

Twenty Two

Hindi ako makatulog, hindi mawala wala ang ngiti ko dahil sa nangyare kanina. Omygod. Niyakap niya ako!

As in mahigpit.

Nagbalik normal ako ng marinig ko ang pagkatok ni Tita sa pinto.

Dinalhan niya ako ng tubig at gamot.

"Ubusin mo yan" tinitigan niya ako ng maigi. "Namumula ka, may sakit ka ba ulit?" Napailing iling ako.

"Wala na Ta, ano ka ba!" Marami lang suya sinabi after nun at umalis na, pinatay niya narin ang ilaw sa kwarto ko.

~*~

Good mood ako nung gumising ng umaga kinabukasan, medyo hindi nadin halata ang mga kagat ng lamok sa mukha ko.

"Good Morning" masayang bati ko kay Ren ng makita ko siya sa Gate. Kanina pa din ako palinga linga para hanapin si Mr. Tahimik ngunitt di ko siya makita. Hinintay ko din siya kanina sa labas ng bahay nila kaso nauna na daw umalis.

Umagang umaga di ko man lang siya nakita.

Pero okay lang, masaya naman ang araw ko.

Pagkapasok namin sa classroom, ay wala din siya doon. Saan kay nagpunta yun?

Inilapag ko lang ang bag ko at naupo, inilabas ko na din ang notebook para sa unang unang subject.

"Ano nakain mo?" Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Ren habang inaanalisa na parang may kakaiba saakin.

"Wala."

"Ano nga?"

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong papasok na sa classroom si Mr. Tahimik at may kasamang babae. Napakunot noo ako, siya yung babaeng nag-aya sakanya kahapon.

Bakit sila magkasama?

Kaya ba siya umalis ng maaga ay para sa babaeng iyon?

Napansin ni Ren ang biglaang pagiiba ng mood ko at kaagad napatingin sa nasa likuran niya. Napahinga na lamang ako ng malalim at hinintay ang unang guro, nasa tabi ko na din si Mr. Tahimik na as usual ay nagbabasa na naman.

Seriously, ang daming tanong sa isip ko.

Anong ibig sabihin ng pagyakap niya saakin? Sinulyapan ko siya sandali habang nakasimangot padin.

Ang hirap mong basahin, alam mo ba yun?

Natapos ang unang subject na puro discussion. Kinig at sulat lang ang ginawa ko.

Habang hinihintay ang second subject ay inaya ko si Ren na mag-cr. Habang naglalakad kami patungo doon ay hindi padin mawala ang pagkabusangot ng mukha ko.

"Kanina lang halos hindi ko maipinta yang ngiti mo, ngayon naman nakabusangot kana. Ang moody mo"

Napairap ako sa kawalan, naiinis talaga ako.

"Paano naman kasing hindi ka maiinis, kahapon niyakap niya ako-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit.

"Ha! Niyakap ka niya?" Gulag na gulat na sambit niya. Napatango tango ako.

"Why, anong meron? Ikaw ah, may hindi ka sinasabi saakin."

"Patapusin mo muna ako"

"Sige go"

"Ayun nga niyakap niya ako na hindi ko naman alam kung bakit"

"Bakit ano bang sinabi mo sakanya bago yun?" Hala, hindi pa nga pala alam ni Ren ang totoong dahilan ko kung bakit ko isinisiksik ang sarili ko kay Mr. Tahimik.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon