Twenty Seven
Pinilit kong itago ng bawat pag-hikbi ko dahil alam kong nagagalit na naman saakin Si Tita.
Mahimbing na ang tulog nito at madaling araw na at hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Ganito ata kapag Broken Hearted ka.
Napapatulala na lang habang may lumalandas na luha sa aking mata.
At hindi ko alam kung papaano pa ba ako nakatulog nun.
~*~
Paggising ko ay napansin ko kaagad ang kurtina na nakaharang, si Lola na din ang nasa harap ko ngayon.
"Bakit ganyan ang mata mo?" Una niyang bungad saakin. Napatingin ako sa cellphone ko at ginawa itong salamin.
Namamaga.
"Kinagat lang po ng ipis" pagpapalusot ko. Hinampas niya ako.
"Alam ko kung ano ang kagat ng ipis sa umiyak!" Aniya. Napasimangot ako. Ou na umiyak ako kagabi, magdamag pa.
Ininguso ko kay Lola ang kabilang kama. "Kanina lang sila dumating, tulog na tulog ka pa, kaya di na sila nakapag hello sayo" tumango ako.
"Para ka lang nasa bahay niyo kung makatulog ka, kanina pa nag ikot ang Doctor di ka nila macheck up dahil sa himbing ng tulog mo" nabibingi ako kay Lola, ang dami niyang sinasabi.
Bumangon na ako sa higaan at umupo, na-c-cr ako. Hinila ko ang Dextrose at magisang nagcr. Si Lola naman ay naglinis na ng pinaghigaan ko.
Naghintay pa ako sandali sa labas ng cr dahil may tao pa, pagbukas nito ay kaagad nanlaki ang mata ko.
B-bakit siya nandito?
Hinawi ko ang kurtina nung bagong pasyente ngunit kaagad napangiti si Jamie ng makita niya ako.
Sila ang ka-share ko?
Natatawa pa si Jamie habang pinagmamasdan ang itsura ko. Hinila ko si Mr. Tahimik palabas ng cr at mabilis na pumasok at nilock ang pinto.
Pinagmasdan ko ang mukha ko. Ogod!
Namamaga nga ang mata ko na aakalain mo talagang kinagat ng ipis dahil sa sobrang pamamaga. Sabog sabog din ang buhok ko at shetness, may tuyong laway pa ako.
Pinagsasakal ko ang sarili ko sa loob ng cr habang rinig na rinig ko dito sa loob ang hagalpak na tawa ni Jamie.
Kagabi lang awang awa ako sakanya, ngayon gusto ko ng takpan ng packing tape ang bibig niya.
Ipinusod ko ang buhok ko at naghilamos na din.
Kinakatok ako ni Lola na lumabas na daw kaso nahihiya ako. Di ko maihakbang ang paa ko palabas.
"La, may shades ka diyan?" Binuksan ko ng konti ang pinto.
"Ano yun?" Napapikit ako. Ano nga palang alam nila Lola sa mga ganuong bagay. At as if naman na may dala si Lola nun.
Maya maya ay may kamay na nagabot saakin ng shades, pagtingin ko ay si Mr. Tahimik pala, ayoko sanang tanggapin pero mapilit siya.
Nakasimangot akong inilagay sa mata ko iyon at lumabas ng banyo, napahinto muna ako kung asan siya.
"Susoli ko din mamaya" seryosong sambit ko.
Napahiga ulit ako sa kama at tumalikod sa kung nasaan sila...
Kinuha ko din ang phone ko at nag-internet nalang. Sinarado ko ng maigi ang kurtina para hindi nila ako makita kaso nakalimutan ko nga palang ubod ng kulit itong kapatid niya.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Teen FictionA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...