Eight
"Tssss" kaagad akong napairap sa kawalan ng mawala na siya sa paningin ko.
Bigo akong bumalik sa classrom at sinulyapan si Mr. Tahimik na ngayon ay nagbabasa na. Pagkaupo ko sa aking upuan ay kaagad akong nilapitan ni Ren.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya
"Wala"
"Bakit nga? Magkwento ka."
"Mamaya nalang, tinatamad ako." Bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya iniba ko na lamang ang direksyon ng paningin ko. Yumuko ako at ipinilit na matulog kahit na alam kong may susunod pang subject.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking panaginip ng bigla akong kalabitin ni Ren.
"Hmmm"
"Gumising kana?"
"Bakit?"
"Nanjan si Mam sa harap mo!" kaagad akong napabangon at napatingin sakanya. Awkward ang emosyon ko ng makita ang nanlilisik na mata ni Mam.
"Nasa Dreamland kana ba Enid? Napapanaginipan mo na bang babagsak sa subject ko." Napayuko ako at nanatiling tahimik.
Nakakahiya...
Bumalik sa pagtuturo si Ma'am habang nasa ulirat na ulit ako para makinig.
Sinulyapan ko si Mr. Tahimik na seryosong nakikinig kay Ma'am, napabusangot ako habang isinusubo ang ballpeng hawak ko.
"Mr. President, paki-distribute nalang ng mga quizes niyo sa mga classmate mo." huli kong rinig kay Mam bago ito tuluyang umalis at kasabay nun ay ang pagtunog ng bell. Halos sabay sabay na nagtayuan ang mga kaklase ko, ang iba iba ay nagsimula ng lumabas para kumain, ngunit ang iba naman ay isa-isang lumalapit kay Mr. Tahimik ko (Ou, inaangkin ko na siya).
"Jelan, sabay kana saamin"
"Jelan, may pagkain kana?"
"Gusto mo kainin to." Madami silang babae, siguro mga lima. Bigo akong napatingin kay Ren at sinulyapan ng huling beses si Mr. Tahimik.
"Ano ka ngayon? Madami ka ng kaagaw?" bigo akong tumayo habang kinukuha ni Ren ang pagkaing baon niya.
"Tara, kumain nalang tayo" sambit ko.
Nasa pintuan na kami ng room ng bigla kong maramdaman na may humawak sa braso ko. Kaagad nagdiwang ang bibig ko at kusang ngumuti.
Cluless siyang tumingin saakin na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Nagkatinginan din kami ni Ren.
"Ahmmm" tanging lumabas sa bibig niya.
"Ano po iyon Jelan" tanong ni Ren sakanya.
Nakatitig lang ako sakanya habang nagdiretso na siyang tumingin saakin. Ini-nguso niya yung mga babae na lumapit sakanya. Noong una ay nagtaka pa ako kung ano ba ang gusto niyang sabihin-hangang sa nakuha ko na.
Gusto niya palang tulungan ko siya doon sa mga babae.
"Akala ko ba- Leave me Alone na?" bulong ko sakanya.
"Just this one." bulong niya rin.
Napangiti ako. "Okay, tutulungan kita basta sasamahan mo kami sa pagkain" kondisyon ko.
Napabuntong hininga pa siya bago nakasagot sa sinabi ko.
"Okay." aniya at tsaka ako malapad na napangiti.
Hinarap ko si Ren.
"Wait lang..." ani ko at tsaka naglakad papunta sa table niya kung nasaan yung limang babaeng classmate ko na di ko naman kilala.
"Excuse me, mukhang ayaw kayong sabayan ni Mr. Tahimik ko. Tabi kayo diyan. Echusera." sambit ko at tsaka kinuha ang baon niya na nasa ilalim ng table niya.
Akmang susuntukin na sana ako nung isa kaso maagap ko siyang tinitigan ng masama.
"Tama na yan, huwag mo nalang patulan." sabi nung kasama niya.
Naglakad na sila papalayo ngunit yung isa ayaw parin paawat. "May araw ka din saakin." aniya. Ngumisi lang ako.
"Ang tagal naman ng araw na iyon" bulalas ko.
Kinuha ko na lang ang pagkain niya at inabot ito sakanya.
"Hanga ka ba?" bulong sakanya ni Ren.
"Nope,"
"Then bakit ganyan ka kung makatingin?" bigla akong na-excite sa isasagot niya.
"Nakikita ko lang na dapat hindi ganyang klaseng babae ang mamahalin ko." aniya at nauna ng maglakad palabas.
Naiwan akong nakanganga sa sinabi niya.
"Paano ba yan, may standard si Mr. Tahimik mo? At ang una sa listahan-di ka pasado." sinamaan ko nalang siya ng tingin at hinila siya para makasabay sa paglalakad si Mr. Tahimik.
But at least makakasabay ko siya sa pagkain...
Napangiti ako ng malapad....
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Novela JuvenilA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...