Twenty Three
Yung dating dalawang magkasama ay naging tatlo na, palagi na saaming sumasama si Mr. Transferee na ang pangalan pala ay Raf Aurora.
Nasa field kami ng school at nagpapahangin, napahiga ako sa damuhan habang si Ren at Raf naman ay nakaupo lang.
"Nagawa mo yung assignment sa isa nating subject?" Rinig kong tanong ni Ren kay Raf.
"May assignment ba tayo?" Natawa ako sa sagot niya.
Bagay nga kami magsama, mga walang alam.
Nagsisunuran narin sa paghiga si Ren at Raf, pinapagitnaan nila ako.
"Tapos na ang 1st grading exam, wala ba tayong lakad ngayon?" Tanong ni Ren.
Sandali kaming nagisip ni Raf.
"Uuwi ako ng maaga" sagot ko.
"Why?"
"Basta" tipid na sagot ko.
"Sus, aabangan mo lang naman doon si Jelan, kukulitin mo lang naman yun" aniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Raf.
Pinili kong manahinik habang pumapatay kami ng oras na tatlo.
Napakunot ang noo ko ng may biglang tumayo sa harapan ko, di ko makita kung sino ito dahil liwanag lang ng araw ang mas nangingibabaw. (against the light)
Kaagad nanlaki ang mata ko ng makita ng si Mr. Tahimik ito, agaran akong napabangon at ngumiting tumingin sakanya.
Ewan ko ba, parang may hindi siya nagustuhan sa ginawa ko. Napairap ito at naglakad na ulit palayo.
Sinundan ko lang siya ng tingin at naglaho na siya ng tuluyan sa paningin ko.
"Anong problema nun?" Inis na sambit ni Raf. Hindi padin nawawala ang tingin ko sa pinasukan niya kanina-nag desisyon akong tumayo at hinabol siya.
Naabutan ko siya sa hagdan na nakapamulsang naglalakad.
Napahawak ako sa kamay niya dahil sa hingal.
"T-teka lang" kaagad niyang binitawan ang pagkakahawak ko.
"Mr. Tahimik" tawag ko ulit. Huminto na ito at tumingin saakin.
"Anong oras ka uuwi?" Hingal na hingal na tanong ko.
"Dont know" tipid na sagot niya.
"Saan ka? Pupunta ka ng room? Sama ako" sabay na kaming maglakad patungo doon. Ang dami kong daldal saknya samantalang siya wala man lang ka rea-reaksyon.
Pagdating sa room ay nilapitan kaagad siya nung Ms. Muse na Aiza pala ang pangalan. May itinanong lang ito sakanya tapos- nakakapang init na ng ulo dahil sumama siya dito.
Ako itong napakaraming kwento sakanya kanina ni hindi man lang niya ako pinansin tapos samantalang itong babaeng ito konting tanong lang sasamahan na niya.
Padabog kong kinuha ang bag ko, halos napalingon lahat ng tao na naruon dahil sa ingay na likha ko. Nagtama din ang paningin naming dalawa pero agad kong iniwas ang paningin ko sakanya.
Naiinis ako sayo. Alam mo ba yun.
Ang sarap sumigaw, ang sarap niyang suntukin.
Nakakalayo na ako sa school , buti nalang at tapos na ang exam kaya malaya na kaming umalis. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kila Ren.
Bahala na nga...
Malapit na ako makarating sa apartment ng biglang may humarang na bike sa tapat ko. Pagtingin ko ay si Raf pala.
"Saan ka pupunta?" Nakangiting sambit niya
"Uuwi?"
"At sinong may sabi sayo na pwede ka ng umuwi?" Kinunutan ko siya ng noo.
Inginuso niya saakin ang upuan sa likod ng bike niya.
"Angkas ka, gala tayo" kaagad nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako nagdalawang isip na sumakay doon.
"Hawak ng mahigpit!" Sigaw ni Raf saakin. ginawa ko kaagad ang sinabi niya. Napuno ng halakhakan ang maghapong iyon at tsaka niya ako hinatid sa Apartment.
Nasa Elevator palang ako ng makita ko si Mr. Tahimik na nakatayo sa sulok.
"Bakit ngayon ka lang?" Inis na sambit niya. Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sakanya.
"Tinatanong kita!"
"at ginagawa ko lang din ang ginagawa mo saakin" lakas loob na sagot ko.
Lumabas na siya sa may dilim at hinarap ako.
"Alam mo ba kung gaano ako nagaalala dahil wala ka pa" kinunutan ko siya ng noo. Bakit naman siya magaalala?
Hindi pa din ako nagsalita. "Alam kong magkaibigan kayo ni Raf..."
Napapikit siya at itinago ang inis sa mukha niya. "Pero kung may gusto ka sakin, dapat saakin ka lang"
Naiwan akong nakanganga sa mga sinabi niya niya.
Nakita niya ba kami? Paano niya nalamang magkasama kami ni Raf, nakita niya ba kaming magkasama?
Ano ba.
Nauna na siyang umakyat sa unang palapag gamit ang hagdan samantalang naiwan akong malalim ang iniisip sa ibaba.
Gusto kong maiyak sa mga naalalala kong pagtatrato niya saakin, gusto ko ring magalak sa mga bagay na sinasabi at ipinapakita niya.
Nakita ko ang sarili ko na napapapikit habang nakaupo sa paborito kung lugar dito sa Apartment.
Halos mag dadalawang taon na kaming naninirahan dito ngunit parang kahapon lang nangyare ang lahat. Nami-miss ko na din ang bahay namin.
Tinawagan ko si Tita na alam kong kanina pa sa itaas.
"Hmmm" sagot niya.
"Ta" tawag ko sakanya.
"Kailan tayo pupunta sa bahay?" Tanong ko salanya.
"Bakit? Gusto mo bang pumunta doon?" Tumango ako.
"Ngayong weekend, punta tayo" aniya at pinatay niya na ang phone.
Hindi mawala wala sa isip ko ang mga tingin niya saakin, mga tingin kapag nakikita niyang magkasam kami ni Raf na animoy may mali akong nagagawang kasalanan sakanya.
At ang mga tinging ipinapakita niya kapag magkasama sila ni Aiza.
Hindi ko naman maitatangi na bagay sila nun kaysa saakin, ordinaryong babae lang naman ako para sakanya.
Pero masakit padin na iadmit sa sarili ko at amining hindi kami bagay sa isat isa.
May pumatak na luha sa mata ko. Nagiging iyakin na ata ako.
Ilang beses ko pa bang uulit-ulitin sa sarili ko na dapat itigil na. Pero ang hirap.
Ang hirap tumigil kung alam mong wala pang malinaw na dahilan.
Vote, Comment
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Dla nastolatkówA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...