Nineteen

397 20 0
                                    

Nineteen

Halos isang buwan na ang nakalipas simula ng umalis siya at ilang araw nalang ay magpapasukan na naman napatingin tingin ako sa paligid, halos lahat ng kasuluksukan nito nakikita ko siya, kahit ang pagtayo at pagbabasa niya lang sa bench ay namimiss ko, kahit hindi niya ako pansinin nakakamiss parin yung presensya niya, iba talaga ang pakiramdam kapag alam mong nasa paligid lang yung tao, tapos di ko pa matanong ang parents niya kung kailan siya babalik dahil nagsisunuran ang mga ito sa America. Walang tao sakanila ngayon.

Naramdaman ko ang pagtabi saakin ni Tita.

"Nakapaghanda kana ba? Nabili mo na ba ang mga gamit mo sa school, malapit na magpasukan" aniya at tsaka inabutan ako ng Melona na Ice Cream.

Kinuha ko iyon at malungkot na tumango. "Namimiss mo si Jelan?" Wala akong ganang magsalita  sakanya. Siguro pati si Tita ay nakaka pansin na din.

"Noong una akala ko magkaibigan lang kayo pero dahil sa inaakto mo ngayon, halatang gustong gusto mo siya"

Nanatili akong tahimik.

Rinig ko ang pagngisi niya. "Nakita ko din ang pagsisikap mo sa pagaaral para masundan siya sa section A" tumingin ito ng seryoso saakin "Ganun mo ba talaga yun, kagusto?" Isinubo ko lang ang ice cream na hawak ko habang hinahayaan si Tita na magsalita.

Napabuntong hininga siya. "Sa nakikita ko, mukhang wala namang interes sayo yun" Ouch. Sinamaaan ko siya ng tingin.

"Ilang beses ko kayong nadadatnan sa Elevator o sa kahit daan parang hangin ka lang naman sakanya" isinubo niya narin ang ice cream na hawak niya.

"Pero kung gusto mo talaga siya, bahala ka. As long as nakakatulong ang pagka-crush mo sakanya sa pagaaral mo. Susuportahan kita" tinapik niya lang ang balikat ko at tuluyan ng umakyat sa taas.

Napahinga ako ng malalim at inubos ang Ice cream na binigay niya.

~*~

Napatingin ako sa salamin sa aking kwarto at inayos ang uniform ko na abot hanggang tuhod. Kinuha ko na din ang bag pack ko na pastel color (pink) sa kama.

Nadatnan ko si Tita na nagaayos na ng umagahan namin ngunit tamad lang akong napaupo sa hapag.

"Ang aga aga, ang tamlay mo na naman. Ikaw lang ata ang kilala ko na hindi man lang nae-excite sa pasukan" tahimik lang ako habang inginunguya ang aking pagkain.

Sabay kami ni Tita sa pagpasok sa school, panay lang pangaral niya saakin. Kung paano ko daw ihahandle ng maayos ang junior high para matapos ko ito ng maayos. Nagtatanong na din siya about sa gusto kong maging kaso wala talaga sa mood para nagsalita ngayon.

Ewan ko ba.

Maaga kami nakarating sa school, hinintay ko lang si Ren sa may Gate at sabay na kaming nagtungo sa magiging klase namin.

Sabay kaming kinakabahan habang nasa labas na ng Section A, lahat kasi sila dito magkkakilala na, block section na kumbaga kaya kami lang ni Ren ang bago rito.

Nagaalangan pa kaming pumasok na dalawa hanggang sa may dumating na guro.

"Section A din ba kayo?" Tanong nito saamin. Agad kaming napatango ni Ren.

Iginaya niya kami sa loob. Bigla ng tumahimik ang buong klase nung pumasok kami sa loob. Ngumiti ng malapad si Mam samantalang kami ay nanatiling tahimik.

"Good Morning" masiglang bati ni Mam.

"Im your adviser in this Class, please call me Ms. Reyes" isinulat niya pa ang buong pangalan niya sa pisara.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon