Thirty Seven

398 17 0
                                    

Thirty Seven

Hapon ng makarating kami sa Hotel, inilapag ko lang ang gamit ko at nagtungo na kaagad sa Conference room ng Hotel na ito. Nakaupo lang ako habang nag-di-diskusyon sila.

Tuliro at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Napahiga ako sa aking kama ng matapos na ang meeting at si Sir naman ay hindi ko alam kung nasaan. Hinayaan ko nalang siya, baka natutulog din yun. Pagod rin naman sa byahe at meeting iyon.

Pasado alas nuwebe na ng gabi ngunit parang alas sais pa lamang ng umaga sa ingay sa paligid. Ichinarge ko ang phone ko na kanina pa lowbat na lowbat dahil sa kaliwaang tawag saakin ni Madam.

Naglinis lamang ako ng katawan at nagdesisyong hindi na lamang lalabas, tutal naman nakapag-inom na ako kagabi. Ipapahinga ko nalang muna ang katawan ko sa alak.

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas, kahit na papaano ay binubusog ng nagagalakang ilaw ang mga mata ko ngunit hindi parin mawala wala sa paningin ko ang anyo niya kanina. Kung hindi ko ba siya iniwasan at hinayaang mapansin ako, papansinin niya rin ba ako? Hindi ba niya ako hahayang paghintayin katulad ng mga paghihintay ko sakanya.

Somethimes I wonder, kung babalik ba siya dito sa Pilipinas. Makikilala niya pa kaya ako.

Hindi ko na napigilan ang luhang pumatak. Kanina pa ako pigil na pigil dito, nasa eroplano palang.

I waited him for almost 10 years, naghintay ako. Naghintay ako ng bawat tawag niya sa telepono ko. Pero wala akong natanggap ni kahit Hi and Hello.

Inulit-ulit kong pinaasa ang puso ko na bawat pasko, new year at birthday ko isama na din natin ang mga Valentines day, araw ng kagitingan na isu-usrprise niya ako at yayakapin. Ako ata ang number 1 sa pagpapakatanga. Umasa na naman.

And then one day, I just realize na katulad ng pag-alis niya. Baka hangang doon nalang talaga nagtatapos ang kabanata naming dalawa.

Mr. Tahimik was my past now at kahit paulit-ulitin kong idikdik sa puso ko na hindi na siya babalik, patuloy parin akong umaasa.

I feel so desperate when Im in 4th year High School, halos lahat ng mga lalaking nakikita ko. Akala ko siya. Kaya palagi akong binu-bully nung mga oras na yan.

I feel empty without his presence. Sinanay niya kasi ako, sinanay niya akong kahit saan ako lumingon naruon siya.

Kaya nung nakita ko siya kanina, I just want to get away from him dahil alam kung hahanapin na naman siya ng puso ko katulad nalang ng nararamdam ko ngayon.

Hindi ko alam kung papaano pa ba ako nakatulog dahil sa mga iniisip at nararamdaman ko. Napatayo kaagad ako at nag-ayos, bumili nalang ako ng pang-summer na makikita ko sa labas ng Hotel. On the way na kami ni Sir Louie pabalik ng Manila, ako ang katabi ng Driver habang nasa likod naman siya. Panay din ang sulyap ko sakanya, ngunit mukhang nakainom ito kagabi.

~*~

Binuksan ko kaagad ang aking refrigerator ng makarating ako sa condo. Dinala ko ang isang bottle water sa sala at binuksan ang TV.

Inaliw ko ang sarili ko sa panunuod ng makatanggap ako ng tawag galing kay Ren.

"Nakabalik kana?" Bungad niya kaagad saakin.

"Ou." Tipid na sagot ko habang nakatutok parin sa pinapanuod.

"Pagod ka pa?" May pinaplano na naman siguro ito.

"Why?"

"Yung about sa sinet-up kong Date mo, ngayon na lang pwede?" Napahinga ako ng malalim.

"Ngayon talaga? Di pa nga ako nakakapag-pahinga." Bulyaw ko sakanya.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon