Thirty Two

444 20 2
                                    

Thirty Two

Pagod akong napabangon sa hinihigaan ko dahil sa puyat, madaling araw na kami nakauwi kagabi. Pinatulong din kasi kami ni Tita na magayos ng mga kalat.

Pagkalabas ko ng kwarto, sinalubong kaagad niya ako ng masamang tingin.

"Kumain ka muna, mamaya tayo magusap about doon sa nangyare kagabi" kinabahan ako bigla.

Napasimangot ako habang kumakain. Narinig ko rin na para bang may tinatawagan si Tita sa kanyang cellphone.

"Yes Hello" tumingin ito saakin at itinurong kumain na daw ako.

"Gising kana? Pwede ka bumaba?" Hindi naman siguro si Mr. Tahimik ang kausap niya diba? Pinatay na niya ang tawag at maya maya may narinig na akong nag doorbell.

Pinagbuksan ito ni Tita nang makita ko kung sino kaagad kong nabitawan ang kutsarang hawak ko. Si Mr. Tahimik nga.

Pinatapos nila ako sa pagkain, magkatabi sa upuan si Tita at Mr. Tahimik. Kinakabahan ako, parang ayokong maubos itong kakainin ko.

"Dalian mo na sa pagkain" mala-awtoridad na sambit ni Tita kaya wala akong nagawa. Naghilamos lang ako sandali sa cr at napaupo na sa Sofa. Nakatayo na din si Tita at magkatabi na kami ni Mr. Tahimik.

Pakiramdam ko tuloy para kaming magpapakasal na at nanghihingi kami ng blessing kay Tita.

"Sabihin niyo saakin kung ano yung nakita ko kagabi?" Bungad ni Tita saamin. Ayaw na ayaw pa naman niyang nalalamang may boyfriend ako- although hindi pa naman talaga kasi hindi pa siya nanliligaw.

Aba! Kahit na ba habol ng habol ako sakanya, hindi namang pupwede na kapag umamin na siya ei "mag-jowa" na kami.

Nasa tatak ko parin naman ang ugaling Maria Clara.

"Tita, gusto ko lang po sanang sabihin sainyo na gusto ko po si Enid" kinikilig ako na ewan dahil sa sinabi ni Mr. Tahimik.

Di maipinta ang mukha ni Tita dahil sa sinabi niya.

Napalunok muna ito bago ulit timingin saakin. "W-wala namang kaso saakin kung gusto niyo ang isat isa, my point is masyado pa kayong bata para pumasok sa isang relasyon. Hindi ako papayag, you can like her pero hindi muna as Girlfriend and Boyfriend. Masettle muna kayo sa pagiging magka-ibigan, papayagan ko lang kayo na magligawan kapag nakatungtong na kayo ng College. And more importantly, dito sa bahay ang panliligaw ah. Hindi sa labas."

Hindi ko alam kung ano ang ire-reaksyon ko sa mga sinasabi ni Tita. Matutuwa ba ako o hindi, pero ou nga naman masyado pa kaming mga bata.

Tumango tango si Mr. Tahimik sa sinabi ni Tita.

"Actually wala pa naman po talaga akong balak na ligawan si Enid, gusto ko lang po muna talaga magfocus kami sa pagaaral. Mas lalo ng nagdadalaga at nagbi-binata pa po kami." Ngumiti ni Tita sa sinabi ni Mr. Tahimik.

"Kaya nga gusto kita Jelan ei, kasi alam kong ang mature ng isip mo."

Hala, ako lang ba ang na-o-p sa paguusap na ito? Ako lang ba ang nakapansin na buhay ko kaya pinaguusapan nila?

So ibig sahihin yung pagtatapat saakin ni Mr. Tahimik ay parang kasiguraduhan lang na gusto niya ako? Tiningnan ko siya ng masama.

Sa dami ng pinagdaanan namin, sa dami ng iniyak ko. Back to pagiging magkaibigan lang din pala kami?

Mayayakap ko kaya siya kahit magkaibigan kami? Mahahalikan? Mahahawakan ko din ba ang mga kamay niya?

Ang desperada ko, parang sabik na sabik akong magkaboyfriend sa mga iniisip ko.

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon