Four

667 25 0
                                    

Four

Inibahan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.

"Kaya nga nandito ako diba, para maging kaibigan mo" Napatigil siya sa pagsasalita at seryosong tumingin saakin.

Napansin kong kumuha siya ng tissue na nagpakunot ng noo ko. Unti-unting lumalapit ang kamay niya sa mukha ko at pinunsan ang dumi na nasa labi ko. Hindi maipalawanag ang pagkabog ng dibdib ko sa ginawa niya.

Napansin ko ang hiya niya dahil sa ginawa niya. "M-may dumi sa labi mo, p-pinunasan ko lang"

Napangiti na lamang ako sa ginawa niya at tsaka nagsimulang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ulit kami sa aming klase. Naagtaka pa ang iba naming mga kaklase dahiil sabay kami sa pagpasok. Isang malapad na lang na ngiti ang pinakawalan ko at nag-excuse sa aming guro.

Lumipas ang napakahabang seremonya ng pagtuturo at uwian na, bigla akong nilapitan ni Ren.

"Pupunta ka ba sa Gym mamaya?" napakunot noo ako.

"Para saan?"

"Diba may Battle of the Band, nanduon ex mo" aniya.

Sandali akong natahimik at sinuring mabuti ang nagaayos ng si Mr. Tahimik. Ready na siyang umuwi. Bigla na namang may gumuhit na ngti saaking labi at nilapitan siya. Kinuha ko ang Bag ko at naiwang nakamasid si Ren.

"Sama ka saakin" masiglang sambit ko kay Mr. Tahimik.

"Saan na naman? Kailangan ko ng umuwi."

"Sa Gym, nuod tayo Battle of The Band." kinunutan na naman niya ako ng noo.

"I need to go." seryoso niyang utas.

"Hindi Pwede"

"I really need to go"

"NO. Hindi" biglang napatingin saamin ang lahat ng aming kaklase at nagbulungan. Masyado ko yata nalakasan ang boses ko. Kita ko ang pagbuntong hininga niya at tsaka tumayo at hinila ako palabas.

Dinala niya ako sa Gym.

Halata sa mukha niya ang galit, marahil ay nagalit siya dahil sa pagsigaw ko at pagpupumilit ko o baka nagalit siya dahil sa panghihimasok ko sa buhay niya.

Sinalubong kami ng napakaingay na hiyawan sa gym habang hindi matigil ang kumakanta sa entablo.

Pinagmasdan ko siya.

Kahit napakalakas ng hiyawan ay mas lalong dumadaig sa pandinig ko ang bawat paghinga niya. Parang ang bagal ng palagid na animoy pati pagpatak ng pawis niya ay nakikita ko. Unti-unti siyang napatingin saakin at inis na tinanggal ang malaking salamin na meron ang mata niya. Nakailang kurap ako dahil sa nakikita ko. Woah. He's really handsome.

This song is dedicated to Ms. Enid Vergara.

Ramdam ko ang bawat lagkit ng tingin ng mga tao sa paligid. Pati siya ay naagaw na din ang atensyon pero ang atensyon ko ay nasakanya lang.

Adik Sa'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na saking
Mga kuwentong marathon

Napatingin ulit siya saakin na may kakaibang reaksyon at kinunutan ako pero para akong asong gala na nasunod lamang sa bawat pilantik ng mga mata niya.

Tungkol sa 'yo
At sa ligayang
Iyong hatid, sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw !

Napansin ko din ang pagwagayway ng kamay niya para maibalik ako sa ulirat pero--- It is really my first time, my first time na magunahan ang puso ko sa pagtibok.

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

"Mr. Tahimik." tumingin siya ng seryoso saakin.

"Ms. Enid Vergara, pwede na bang pumasok ulit sa puso mo?" Kaagad nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi nung vocalist ng THE ONE na si Rem, ang ex kong babaero. Hindi magkanda-humayaw ang tilian ng mga tao habang hiniihintay ang isasagot ko.

Pero sa halip na sumagot, hinawakan ko ang kamay ni Mr. Tahimik na ikinabigla niya. At tsaka ito itinaas.

"Mr. Vocalist. I'm already dating someone, so back off" naiwang nakanganga si Rem pati narin ang mga tao doon. Samantalang nakangiti akong nakahawak sa kamay ni Mr. Tahimik.

"Okay ka lang?" tanong ko skanya.

"Bawiin mo ang sinabi mo" seryosong sambit niya.

"Bakit naman?"

"Hindi naman dapat ganun, wala namang namamagitan saating dalawa."

Bigla akong napangiti at tumingin ng seryoso sakanya.

....at hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa isip at katawan ko at bigla ko siyang nahalikan. Ou, hinalikan ko siya.

"N-ngayon meron na." kaagad nanlaki ang mata ko at patakbong umalis doon. Panay sabunot ang ginawa ko sa sarili ko dahil sa pinaggagagawa ko.

Masyado lang siguro ako nadala sa mga pinakita niya ngayon. Kaya ko nagawa yun, pero Enid seryoso bakt ang landi mo.

To be kissed

To hold her hands

To have a friend

Bigla akong napatigil sa paglalakad at tiningnan ulit siya. Bigla akong napangiti dahil sa wakas, nakangiti siya ngayon.

3 out 10 na Enid.

VOTE, COMMENT

The Stars Above usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon