Seven
Napangiti ako habang nakaupo sa sofa dito sa bahay, inabutan na din ako ng tubig ni Tita.
"Nabalitaan ko ang nangyare sayo" bigla akong namula dahil sa sinabi ni Tita.
"Nililigawan ka ba nun?" Tanong niya. Ilang beses akong napalunok dahil sa mga tanong niya.
"Wala po yun Tita" iniwas ko kaagad ang tingin ko.
"Hindi naman sa pinagbabawalan kitang mag boyfriend, pero alam mo naman siguro na pagaaral muna ang uunahin natin diba?"
Napatango ako. "Sana maintindihan mo, okay lang naman saakin na crush crush lang pero sana kung mag bo-boyfriend ka sana ipakilala mo ng maayos saakin para makilatis ko. Alam mo namang nasa panahon parin tayo ni Maria Clara" panay lang ang tango ko sa sinabi ni Tita.
Iniwan ko na siya sa Sala at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Binuksan ko ang Drawer na may mga litrato doon. Napangiti ako.
Matapos kung pagmasdan yun ay humiga na ako sa aking kama. Buti nalang at sabado bukas. Hindi ko kailangang magising ng maaga.
-*-
Kaagad akong napabangon ng narinig ko ang katok ni Tita sa aking kwarto.
"Enid, gumising kana. Tanghali na, kumain kana"
Tamad akong tumayo at pinagbuksab siya ng pinto.
"Alas dose ng ng tanghali, tulog ka pa din. Naghanda na ako ng pagkain mo. Aalis lang ako sandali para mag grocery. Gusto mo ba sumama?"
Napahikab pa muna ako sa harap niya at tsaka nagsalita "Hindi na Ta."
"O' sige. Kumain kana. Huwag ka ng bumalik sa pagtulog" Napatango na lang ako at tsaka nagdiretso sa cr para maghilamos. Dinampot ko din ang cellphone ko sa Kama at nagtungo sa kusino para kumain. Isang well prepared na Hotsilog ang pagkain na hinanda saakin ni Tita. Kumuha lang ako ng tubig at tsaka dinala sa Sala ang pagkain at inumin kasama ang phone at nanuod habang kumakain.
Nasa kalagitnaas na ako ng pagkain na panay vibrate ng phone ko. Hindi matigil ang nga notification ng messenger. Malamang sa group chat na naman namin iyon sa Room.
Hindi parin yata nakaka-moveon ang mga kaklase ko sa nangyare kahapon about kay Mr. Tahimik. Napangiti na naman ako kapag naaalala ko yun.
Flashback....
"Dapat hindi ka nalang nananalamin, para naman may pogi sa classroom na ito" biglang nagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa sinabi ni Mam.
Nagsimula na siyang humakbang pabalik sa upuan niya ng bigla siyang huminto sa pwesto ko.
Naghiyawan na naman ang mga kaklase ko dahil sa inakto niya.
"Kailangan nating magusap, mamaya" sabi niya at bumalik na siya sa pwesto niya.
Nakailang subject pa kami bago mag Breaktime, pagkatunog ng bell ay agad nagsayawan ang mga tenga ko,
Masigla akong nagpunta sa pwesto niya.
"Ano yung sasabihin mo" excited na samvit ko. Napatingin lang siya sandali saakin at inayos ang bag niya.
Sumulyap ako kay Ren na nakangiting nakatingin saamin. Ngumiti na din ako bilang tugon.
Pagharap ko ulit kay Mr. Tahimik ay nakabag na ito at nakatayo. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ko
"May sasabihin ako" aniya at hinawakan na niya ako sa braso at dinala sa Fire Exit.
Ramdam ko ang inis sa mukha niya nang binitawan niya ako...
"Anong ginagawa mo?" inis na tanong niya saakin. Unang beses ko siyang makita ng ganito.
"Ang alin?"
"Lahat. Bakit mo ginagawa ito?"
"Wala lang, gusto ko lang makita kang masaya." kinakabahang tugon ko.
"At sa tingin mo masaya ako sa ginagawa mo?" Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya.
"A-akala ko kasi magiging masaya ka kapag pinakilala kita sa nga kaklase natin. At nakangiti ka kanina" nakayuko kong sambit.
Rinig ko ang pagtikhim niya at tsaka iniharap sa kanya ang mga mata ko.
"Yung ginawa mo kahapon hindi maganda iyon. Kung may kukuha man ng Unang halik nating dalawa. Hindi para sayo at para saakin iyon. We are just first year High School. Masyado pa tayong bata para sa mga ganuong bagay." he sounded like my Tita.
Tinitigan ko ulit siya ng maigi at nakinig sa mga payo niya. I dont know pero parang gusto kong makinig sa mga payo niya, he sound like a professional na gusto kong pakinggan.
"And sa susunod pwede bang huwag mo akong pangunahan sa mga gusto kong gawin like what youve done earlier in our room, tatabggalin ko ang salamin ko sa oras na gusto ko." Napapikit siya at halatang pinipigilan ang galit na lumalabas sa mukha niya.
"At hindi sa lahat ng oras kapag nakangiti masaya." Binitawan na niya ako at nagtungo na sa pinto.
Tiningnan niya ulit ako bago umalis.
"Just Leave me alone, please."
Vote, Comment
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Teen FictionA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...