Forty three
Inaantok pa akong napabangon sa kama alas kwatro ng madaling araw, pupunta kaming ibang bansa ngayon ni Bossing para sa mga Investor na hihikayatin naming mag-invest sa kompanya.
Tamad akong uminom ng tubig habang nagtatanggal ng antok, tatagal din ang Out of the country namin ng 2 night and 3 days kaya sinigurado ko na may mga baon na akong damit para makaiwas gastos.
Inabot ng mahigit 30 minutes ang pag-aayos ko, palabas na ako ng unit ng makatanggap ako ng tawag galing kay Sir.
Isinara ko ang pinto habang ang daming niyang bilin saakin. Hinihila ko ang maleta ng mapalingon ako sa kabilang unit.
Napailing iling ako. Bakit pa ako magpapa-alam sakanya?
Naglakad na ulit ako patungong elevator, konting Segundo lang ang hinintay ko at nagbukas narin ito ngunit kaagad napatigil ang paa ko ng makita ko ang pagod na pagod niyang mukha.
Napahawak ako sa buhok ko.
Nagulat siya ng makita ako at agad na hinawakan ang kamay ko.
“Aalis ka?” kaagad kong iniwas ang tingin sakanya.
“Magpahinga kana, mukhang pagod ka.” Tanging nasambit ko at iniwasan ang mga tingin niya.
“Hindi, saan ka pupunta?” pagmamatigas niya.
Pumasok na ako sa loob ng elevator habang siya naman ay titig na titig saakin.
“Bakit ba kailangan mo pang malaman? Ano naman ngayon kung aalis ako. Labas ka na doon.” Pinindot ko na ang ground floor ng elevator.
Mahigit isang lingo na ang lumipas simula ng malaman kong dito na siya nakatira at isang lingo rin akong iwas ng iwas sa presensya niya. Ayoko munang makaharap siya ngayon.
Kaagad nanlaki ko ng bigla niyang pinindot ang hold buttom ng elevator.
“Ano bang ginagawa mo?” inis na sambit ko sakanya habang inaabot iyong hold button.
“Hindi ko ito i-u-unhold hanggat hindi mo sinasabi saakin kung saan ka pupunta.”
“Ano ba! Kailangan ko ng umalis, mala-late ako sa flight ko.”
Mas lalong tumindi ang galit niya dahil sa sinabi ko. “I don’t care.”
Naikuyom ko ang kamay ko sa inis sakanya.“Bakit ba kailangan kong sinasabi sayo lahat. Hindi ba pwedeng aalis ako dahil sa gusto. Youre not even my boyfriend para tratuhin ako ng ganito.” Napayuko siya sa sinabi ko.
“After 10 years simula ng umalis ka, ni kahit isa wala kang narinig saakin. Hindi ako nagtanong kung bakit hindi mo ako nagawang kontakin sa loob ng sampong na taon, pero sumusobra kana. Kahit na kating kati na akong tanungin ka, palagi ko lang sinasabi sa sarili ko na baka nga may reason ka. .”
Halos trenta minutos na ang nauubos dahil sa lecheng elevator. Malilintikan na naman ako sa boss ko.
“Jelan, hindi sa lahat ng oras nasayo ako. May hangganan din ang lahat.” Tanging nasambit ko at inunhold ko na ang elevator.
Tuliro ako habang patungo sa Airport, hindi ko rin siya nagawang lingunin nung makalabas ang ako ng Condo.
Please lang kahit ngayon lang, ako na muna, sarili ko muna.
~*~
Naging maayos ang meeting namin sa Japan at halos buong byahe akong natulog sa plane pabalik ng Pilipinas. Sa loob ng tatlong araw ay wala akong ginawa kundi isubsob ang sarili ko sa kabilaang meeting.
BINABASA MO ANG
The Stars Above us
Novela JuvenilA Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a terminal stage. Then later on discover that this Boy is her Classmate. Will she be able to change his Des...