5 ng umaga ay ginising kami. Iba sa body clock ko kaya ang katawan ko ay nagreklamo muna bago magising. Akala ko lahat ng nasa bootcamp, puyatan ang body clock nila pero 10 pa lang ng gabi, tulog na ang tatlo.
May morning jog ang buong team at 'yon ang warm up na ginagawa ni Coach sa ilang taon na inaalagaan niya ang Inferno. Kaya rin fit ang tatlo dahil na rin siguro dito.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Gising na ang tatlo at nakaupo lang sa swivel chair kaya naki-upo na rin ako. Si Nova na lang ang kulang at halos bente minuto pa bago siya lumabas ng kwarto. Apat kaming napatingin sa itaas at pinanood siyang bumaba. Parang may lumulutang na labi dahil sa pagiging makinang no'n. Ang buhok niya ay ayos na ayos din at ang mukha niya ay parang sandamakmak na produkto ang nilagay niya doon.
"Where's Coach?" tanong niya at sakto naman ay dumating na si Coach kasama si Yash.
"Gan'to rin ba ang ginagawa niyo sa Abyss?" hindi ko maiwasang itanong kay Nova.
Tumingin siya sa akin at tumango. "Yes," sagot niya. Tumango na lang ako.
Sa aming apat, ako ang baguhan at walang masyadong experience kaya bago sa akin lahat ng nangyayari.
Nag warm-up muna ako at binanat ang mga buto ko. Ngayon na lang ata ako makakapag-exercise. Last month na yung huli kong punta ng gym dahil masyado akong nag ensayo at nagbatak sa ML. Bakasyon na rin naman sa school kaya walang sagabal sa pagbabatak ko.
Nang sabihin din sa akin ni Yash na nangangailangan sila ng Jungler, doon na ako nagdesisyon na hindi muna mag enroll, kaya hayok akong manalo dito. Tinaya ko ang semester ko para dito kaya mag-eensayo ako araw-araw.
Located ang boot camp sa Antipolo. May limang kwarto sa itaas, dalawa sa baba. Sa sentro ng building ay kung saan nakapatong ang gaming phone naming lima, may swivel chair din para sa limang manlalaro. May kusina at may pantry din dito at doon kami kumakain. Parang isang bahay pero alam mong hindi bahay pang pamilya, kung hindi bahay para sa mga manlalaro.
Maganda ang design ng building, maaliwalas at maluwag kaya hindi mahirap mag adjust.
Si Yash ang in-charge sa warm-up kaya siya ang sinundan namin.
Mabilis akong nakaramdam ng gaan sa katawan pag tapos ng warm-up at mukhang maganda ang kondisyon ng katawan ko sa pagtakbo.
Paglabas ng bootcamp ay mag naghihintay na bus sa amin. Kulay itim ang disenyo at may malaking Inferno at logo sa disenyo nito. Kahit hindi magaling ang team, mukhang ini-spoiled sila dito. May ref din akong nakita, puro ice cream ang laman.
Sa harap ako umupo, si Knight ang katabi ko habang si Yours at Nova ang magkatabi. Sa likod ay si War at Yash at pinakalikod si Coach.
Nagdrive na rin ang driver at sa isang school kami dinala. May malaking oval field kung saan pwedeng tumakbo. Naghanda na ang lahat para mag jogging at Zone 2 pace ang sinabi ni Coach. Basically, hindi naman namin masusunod 'yon pero ang punto niya ay sobrang bagal ng takbo para hindi agad mapagod agad.
Hindi ako mahilig tumakbo kaya mabilis akong napagod sa unang lap. Masyadong malaki ang oval pero nararamdaman ko naman na kaya kong tumakbo.
Knight, War and Yours have the best pacing as they can run more than Zone 2, while Nova, he's fast. Like running is one of his sport.
Fuck, nakakahiya. Hindi na ako mukhang maangas tingnan. Sirang sira na ang image ko dito. Maangas ako sa school, pero para akong batang kawawa pag kasama sila.
"It's normal to feel that, kid. You're with professionals, and you're still in the process of becoming one. We can work on it, just focus on Zone 2 first," sabi ni Coach na ikinatango ko na lang.