10

28.5K 406 6
                                    

"Muse of Inferno, the former sixth man of Abyss International. Mukhang manika, ang ganda-ganda pero parang dangerous. Mandudurog ng mga mages sa susunod sa darating na season," basa ni Yours sa comment. "Mabuti alam niyo! Mandudurog talaga 'to, diba?" aniya at tumingin kay Nova.

Kumunot lang ang noo ni Nova at lumapit sa akin. "Good morning," bati niya at tumabi sa akin.

Inakbayan ko siya at sumandal sa balikat niya dahil sa antok. Anong oras na ba kaming binitawan ni Coach? Alas dose na. Kagabi ang pinaka-late na practice namin. Tatlong linggo na lang at simula na ang liga. Nabigay na rin ang schedule ng laban at unang naming makakalagay ay ang Abyss International kaya masyado kaming nagbabatak.

May sumpa sa liga na pag natalo sa unang game, magtu-tuloy na kaya 'yon ang iniiwasan namin. Kaso hindi ko alam kung kaya ba namin at kinakabahan na rin ako. Masyadong mabilis ang araw, tatlong linggo na lang. Alam kong masyado akong confident nitong mga nakaraang araw pero habang papalapit nang papalapit ang liga, mas tinatamaan ako ng kaba.

Hindi ko pa alam ang sitwasyon sa loob ng liga. Panalo kami lagi sa ranked game, maayos ang practice namin pero paano na pag nasa totoong laro na ako. Hindi namab ako siguro tatakbo ano, baka may sumapak na lang sa akin.

"2 million views na," ani Nova na nasa tabi ko, hawak ang iPad.

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang shoot namin. Kahit nasa proseso pa lang kami, alam na naming maganda ang kakalabasan. Ako alam kong maganda ang kakalabasan pero nung in-edit na at naipost na kagabi, halos lahat kami ay gulat na gulat at nakaramdam ng excitement.

Si Nova ang nagdala ng Roster reveal, ang galing-galing niya doon.

"May bago na akong ship, si Nova at Hunter. Vanter ang ship name nila, aahhhh," sumigaw si Yours habang binabasa ang comment. Si Knight ay tumawa pati si War dahil sa pagiging OA niya. Kagabi pa nang-aasar 'yang aso ni Nova.

"Ang gwapo ni Hunter, bagay sila ni Nova. Ang ganda ni Nova, parang manika. I love feminine guys! Poganda talaga huhu, gusto ko na ang Inferno!"

Napailing na lang ako at lihim na ngumiti. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg ni Nova at bahagyang inamoy siya. Naamoy ko na naman ang amoy niya, nakakaadik.

"Nakikiliti ako," bulong niya kaya tinigil ko na.

Umayos na ako ng upo dahil dumating na rin si Coach.

"Best roster ever! Ang gwapo ni Yours. Siya ang pinakagwapo sa lahat, pero sana gwapo rin sa paglalaro at hindi bano," kumunot ang noo niya. "Sinong bano? Suntukan na lang oh!" dinutdot niya ang cellphone niya at binatukan siya ni Coach kaya agad niyang pinatay 'yon.

"Kung hindi ka bano, galingan niyo sa practice at paglalaro. Start na tayo," pumalakpak siya at nagsi-puntahan na rin kami sa kanya kanyang station.

"Galingan natin," mahinang sambit sa akin ni Nova at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Tinitigan ko siya at hinawakan ang batok niya. Marahan kong hinaplos 'yon at tumango sa kanya.

"Bring us to finals," ani ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango.

Nagsimula ang madugo naming practice at nakipagsunduan ang management sa isa sa Chinese team. Mock game kung tawagin o friendly game. It will benefit both parties. Ito ang sikreto na ginawa ng management para sa amin.

Matalo kung matalo—manalo kung manalo. Pag tapos ng laban ay pareho kaming may matutunan. Even War said that we will lose the game, kahit hindi pa 'to nagsisimula pero natapod ang game ay natalo namin ang Chinese team. Magagaling sila, pero naisahan ni Knight kanina.

Backdoor strategy. Kulang sa map awareness o magaling magtago si Knight. Nakapag-push ng mabilis sa top lane. Lahat ng kalaban ay naka-focus sa Lord dance. Nakuha nila pero nadurog na ang kaisa-isang tore sa taas at may kasama pang minion si Knight kaya nanalo kami.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon