14

22.7K 328 16
                                    

Hindi ako kinausap ni War. Pinalabas niya lang ako at pumasok ulit siya sa kwarto ni Nova at sinarado ang pinto. Napamura na lang ako bago idikit ang tenga ko sa pinto at marinig ang pinag uusapan nila. 

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Knight sa likod ko. 

Tumingin ako sa kanya at tumikhim bago sagutin ang tanong niya. "Nag-uusap si War at Nova," ani ko.

"E bakit kailangan mong makinig?" tanong niya at dinikit na rin ang tenga sa pinto.

"Ako may kasalanan bakit pinapagalitan si Nova eh," ani ko.

"Uy gago, ano meron?" si Yours na kakalabas lang ng kwarto at naki-usyoso na.

"Pinapagalitan daw ni War si Nova. Makinig ka nga rin, wala akong marinig," ani Knight at hinila si Yours para idikit din ang tenga niya.

Medyo bumaba ako dahil sila na yung sa dalawang gilid at ako ay medyo gitnang baba at sinubukang makinig pero wala talaga ako o kaming marinig. Pag pinaiyak ni War si Nova ay baka magkaroon ng World War 3 dito at mukhang world war na nga.

Lahat kami ay natumba nang buksan ni War ang pinto at nawalan kami ng balanse. Mabilis akong tumayo, gano'n din si Knight at Yours at balak pang tumakbo pero hinila ko sila para hindi sila makaalis at hindi lang ako ang pagalitan.

Kinakabahan ako. 

Kami ni Yours ang pinaka-matanda pero siya 'tong kabado. Si Yours ang pinakamatanda sa amin pero parang gago na hindi man lang makatayo sa sariling paa.

"Si Knight, dinamay lang ako," paninisi niya kay Knight.

"Hah? Anong ako? Si Hunter yung nang damay sa akin. Nadamay lang din ako!" Isa pang duwag at sa akin isinisisi?

Tumingin ako kay War at salubong na naman ang kilay.  

"Why are you gathering in front of my room?" tanong ni Nova sa likod ni War. Napangiti ako nang makita siya at hindi naman umiyak.

"Bumalik na kayo sa kwarto niyo at matulog. Ikaw Nova, wag kang magpapapasok ng kahit na sino," ani War. Lumungkot ang mukha ni Nova at tumango na lang.

"Okay po, leader-nim," aniya. 

Si War na ang nagsarado ng pinto ni Nova. Si Yours ay nagpaalam na dahil baka sa kanya pa maibunton ang galit. Si Knight ay inakbayan si War at hinila na paalis doon pero ang tingin ni War ay nasa akin pa rin.

"Umayos ka ha," aniya sa akin. Tumango lang ako at ngumiti kahit parang gusto ko nang sapakin si Knight kahit wala namang dahilan. Gusto ko lang ibunton sa kanya ang inis ko.

Bago umalis si War ay hinintay akong papasukin sa kwarto ko. Ni-lock ko na 'yon at badtrip na binagsak ang katawan ko sa kama. Agad na kinuha ko ang bago kong cellphone na binigay ng brand kanina at tinawagan siya sa Messenger para makapag-video call kami. Nang sagutin niya 'yon ay malungkot ang mukha niya at paiyak na.

"Why is he so strict? He scolded me kanina tapos he kept saying you're a piece of shit! Like tae, huhuhu," my baby is crying. Damn you, War.

"Pinagalitan niya rin ako, ang sama ng tingin sa akin. Natatakot ako, akala ko sasapakin niya na ako," sumbong ko sa kanya pero mas naiyak pa ata siya.

"I don't like what he's doing to us but I can't hate him. He's my favorite leader, my favorite person!" 

Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Parang nalilimutan niya ata na ako ang kausap niya? At talaga bang sinasabi niya 'yan sa akin ngayon? Pambihira.

"E ako? Hindi mo ba ako favorite?" tanong ko. 

Ang luha niya ay umurong at mukhang na-realize niya ang mga pinagsasabi niya. Damn baby, you're making me mad, really. 

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon