20

20.5K 271 0
                                    

"It's d-day!"

Tuluyan akong nagising dahil sa pag sigaw ni Nova. Nakatayo siya sa kama at nag-uunat ng katawan, may ngiti agad sa labi at mukhang excited sa magaganap sa araw na 'to.

Lahat ng antok sa katawan ko ay nawala dahil tumalon talon na siya sa kama. Napaupo na lang dahil natapilok ito at tumawa lang siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, mabilis na hinalikan ako sa pisngi at nagpaalam na lalabas at babatiin ang iba. Pinayagan ko naman dahil hindi naman niya kailangang magpaalam tungkol doon.

Lumabas na siya at naririnig ko ang boses niya na ginigising ang lahat. Para kaming may human alarm clock sa araw na 'to at nagulat na lang ako na nandito na lahat sila sa kwarto ko.

Si War ay mukhang antok pa at napilitan lang gumising.

Si Knight ay nakakunot ang noo pero mukhang hindi naman na-badtrip.

Si Yours ay nakayakap na sa bewang niya at nakapatong ang baba nito sa balikat niya.

"I'll pray na ha," aniya. Umayos na rin si Yours dahil sacred ang prayer. Alam naming lahat 'yon.

"The name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Dear God, thank you for this day. Thank you for the strength that you have given to us this past few weeks so we can do our best in practice. Thank you for giving our leadernim War a long long patience to us so he can guide us in our practice. Thank you for giving Knight a skills and knowledge so he can give suggestions to each one of us," he stopped praying as he sobbed and he's now crying.

Parang natutunaw ang puso ko kung paano niya pasalamatan ang Panginoon sa lakas na binigay niya sa bawat isa sa amin para mapagdaanan ang mahihirap na araw na dumaan sa amin.

"Thank you for giving Yours the kindness he keeps offering to us even though sometimes he is annoying. Thank you for giving Hunter a patience, skills, knowledge, kindness and calmness throughout in our practice."

"Bakit lahat ng binanggit mo sa amin, binanggit mo sa kanya?" reklamo ni Yours. Hindi siya pinansin ni Nova.

"Thank you for giving Kuya Yash the strength to do this and that. He's always outside but you didn't left him do the things for the team. And thank you for giving Coach Aldrin the strength and confidence that he can lead us to this day, that he can coach us every single day so we can achive our first win today. Thank you for everything you have given to us. We are asking for your guidance in our game later. Please give us your guidance and we will do the rest later.  Thank you so much Papa Jesus, Amen."

Binuksan niya na ang mga mata niya at may mga luha 'yon pero dulot ng saya dahil nakarating na kami sa araw na matagal naming pinaghandaa.

Tumingin ako sa labas ng kwarto ko at nando'n si Coach at Yash na nagdasal din. Nakita kong nagpunas siya ng luha niya bago pumasok ng kwarto.

"First win for Inferno!" ani Coach.

Lahat kami ay pinatong ang kamay sa kamay niya at sumigaw kasabay nang pagtaas namin sa mga kamay namin.

Everyone felt good with that prayer. Lahat ng kaba, pag-aalala at bagabag sa utak ko ay nawala. Alam kong mananalo kami, alam kong kaya naming manalo ngayon kaso mukhang ako ang unang mananalo ngayon.

"You're so gwapo in your uniform," ani Nova at nilapitan ako at 'saka nagpabuhat. Mahina akong natawa dahil ramdam ko ang pagiging excited niya sa araw na 'to. 

Lumingkis siya sa akin naglakad na rin kami palabas ng bootcamp. Si Kinight ay umakbay sa akin sa kabila ko at tatlong kaming magkakakabit. Tabi ulit kami ni Nova sa bus, si Yours at Knight, si War, Yash at Coach sa likod.

Medyo chill lang ang lahat pero pakiramdam ko ay mamaya kami magiging aligaga. Kinakabahan na rin ako dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang aasahan ko sa laban. Kahit nag-practice kami ng sobra, baka lahat ng practice namin ay hindi pa rin tumugma sa laro nila, na baka mas gumaling sila at hindi namin masabayan.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon