09

26.6K 384 3
                                    

"Ako na bahala dito, i-akyat mo na si Nova at patulugin mo na," utos ni War.

Napabuntong hininga at tinignan ang natutulog na si Nova na nakayakap pa rin sa akin. Tulog at lasing—galing sa pag-iyak. Nagmamakaawa kanina na talunin ang dati niyang team.

Si War ang pinaka nag-alala dahil sinabi nito. Kinompronta niya kanina kung anog nangyari sa kanya sa Abyss pero hindi niya sinasabi. Nagtago sa akin kaya hindi na pinilit ni War.

Si Knight at Yours ay masyadong lasing para maintindihan ang mga nangyayari kanina. Bagsak na ang dalawa kasama si Yash at si War na ang bahala sa kanila.

Binuhat ko na ang katawan ni Nova. Halos hindi man lang ako nahirapan dahil sa sobrang gaan niya. Parang akong bumubuhat sa katawan ng babae dahil sa gaan nito.

"Pogi," aniya. Humigpit ang pagkakakapit sa batok ko at sumiksik sa leeg ko. Umakyat na ako at pumunta sa kwarto niya.

Sana ay hindi ko siya hinayaan uminom ng marami pero nage-enjoy siya kanina kaya hindi ko na pinigilan. Mukhang ngayon lang uminom at nag-enjoy naman—napunta lang sa iyakan.

"S-Suka ako."

Agad na dinala ko siya sa banyo niya. Binuksan ko ang toilet bowl at doon siya sumuka. Hinaplos ko ang likod niya hanggang matapos siyang sumuka. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig niya at nagpabuhat din agad sa akin.

He's awake but drunk.

"Ang bango mo," inamoy niya ang leeg ko at humagikgik. Nilapag ko na siya sa kama at sinubukang bitawan siya pero siya ang hindi bumibitaw sa akin.

He looked at me with his sleepy eyes. "Don't leave me here," namamaos na sabi niya. Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam ang gagawin.

His eyes were begging again—to not leave him. Inaantok na rin ako at gusto ko nang matulog, gusto ko rin balikan si War sa baba dahil tatlo ang aasikasuhin niya doon. Makalat pa at baka dumating nang biglaan si Coach at malintikan na.

"Sleep, Nova. Maglilinis ako sa baba," mahinang tugon ko sa kanya.

Ngumuso siya at napasimangot. "You don't like me?" aniya. Agad na umiling ako dahil hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin.

"If you like me, you should stay here. Baka may mumu, I'm scared," hinawakan ang braso ko at dinikit 'yon sa pisngi niya. Nagpa-cute sa akin. Umangat ang gilid ng labi ko at pinisil ang pisngi niya.

"Tutulungan ko lang si War dahil nasa baba pa yung tatlo tapos babalik ako dito. Okay lang ba 'yon?" tanong ko sa kanya. Muli siyang napanguso at napabuntong hininga.

"Okay," aniya.

Unti-unti na rin siyang bumitaw sa akin. Mukhang malungkot—mas nagpapa-awa sa akin kaya muli akong natawa.

"Are you gonna come back?" mahinang tanong niya. Tumango ako bilang sagot at tumango na lang din siya. "Okay," mahinang tugon niya. Gumapang siya papunta sa gitna ng kama niya at humiga. Umiwas ako ng tingin dahil sa suot niya.

Kanina pa na ang galaw-galaw niya at panay baba ko ng damit niya dahil umaangat ito pero hindi niya pinapansin 'yon. Ang likot-likot.

Inayos ko ang duvet sa katawan niya nang matakpan 'yon pero ayaw niya at tinatanggal din.

"Go to them na, so you can come back here. I'm sleepy na eh," antok na sabi niya. Tumango na lang ako at napabuntong hininga.

Lumabas na rin ako at bumaba. Naiakyat na ni War si Knight at Yours at ako na ang nag-akyat kay Yash. Tinulungan ako ni War sa taas dahil medyo mabigat si Yash. Sumakit ata ang likod ko, pambihira.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon