07

28.3K 430 5
                                    

Natapos ang practice namin para sa araw na 'to. Nagyaya ulit na manood si Nova pero tumanggi na ang tatlo at gusto nang magpahinga.

"Tara, nood tayo." Hinila ko ang pulsuhan niya at pinabalik siya sa upuan niya.

Sinearch ko ang channel ni Agassi at pumili pa kami ng iba pero tumayo na siya sa upuan niya.

"I don't like to watch na pala, I want to rest na," aniya.

Tinignan ko siya at naglakad na siya paakyat at pumasok sa kwarto niya.

Ano ang problema no'n?

Minsan ay hindi ko maintindihan ang mood niya. Paiba-iba lagi. Hindi ko rin alam kung anong gagawin pag ganitong tahimik siya.

Pinatay ko na lang ang TV at humarap sa PC ko. Binuksan ko ang file ng planner na ginawa ko at ni-review 'yon. Gusto kong baguhin ang sistema na ginawa ko kaya nagbago ako doon. Imbis na isang linggo, ginawa kong apat na araw kada drafting para mas malawak na hero pool ang ma-practice namin.

Isang oras ang ginugol ko sa pagpapalit ng plano at nakaramdam na rin ako ng antok. Kumuha ako ng ice cream bago umakyat at dumiretso sa kwarto ni Nova. Kumatok ako sa pinto at nang buksan niya 'yon ay may headband na naman siya sa ulo.

"Ice cream," alok ko sa kanya.

Umangat ang mga kilay niya pero tinanggap na rin. "Thanks," mahinang sambit niya. Tumango na lang ako at pumasok na rin siya sa kwarto niya.

Naglakad na ako papunta sa kwarto nang bumukas ang pinto niya. Tumingin ako doon at nakitang nakasilip siya doon.

"Do you want to watch with me? Exploration videos again?" mahina lang ang boses niya, bakas din na nahihiya kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Bakit? Natatakot ka?" tanong ko at tumango siya.

"A bit," aniya.

"E bakit mo pa papanoorin kung natatakot ka?" tanong ko at lumapit na sa kanya.

Tumayo siya ng tuwid at tumingin sa akin. "It's interesting," sagot niya sa maliit na boses. Nakayuko at mukhang nahihiya pa rin.

Ang cute, tangina.

Hinawakan ko ang ulo niya at marahang ginulo ang buhok niya. Nanggigil na naman ako sa kanya pero quota na 'to ngayon at panay asar ng mga itik kanina.

Hindi naman bully ang asar, more on gusto lang din nilang makitang naasar si Nova dahil ang cute lagi pero sasawayin ko na rin ang iba kung napapasobra na. Minsan ako ay napapasobra na rin kaya babawasan ko na.

"Wait for me, I'll take a shower first," ani ko sa kanya at tumango lang siya at ngumiti ng tipid.

Pumasok na siya sa kwarto niya at ako at pumunta na sa kwarto ko para maligo. Nawala na rin ang antok ko at mukhang magpupuyat ako dahil sa bagong hobby ni Nova.

Matatakutin pero gusto pa rin panoorin at kailangan ng self support para hindi gaano matakot.

Natapos akong maligo at nagsuot lang ako ng sando at shorts para presko. Pumunta na rin ako sa kwarto ni Nova at medyo nagulat ako dahil akala ko ay ibang tao. May mask lang sa mukha.

"Let's go!" excited na sabi niya at hinila ako papasok ng kwarto.

"Ano 'yan?" narinig ko ang boses ni War kaya pareho kaming napatingin sa labas.

"Why leader-nim? We'll watch exploration videos," ani Nova.

Si War na medyo kumunot ang noo pero tumango na lang. "Wag masyadong mag-puyat, maaga tayo bukas," sabi nito na ikinatango ko na lang.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon