16

21.4K 294 7
                                    

"Pasabi kina War, uuna na ako sa Manila para makasama ko sina Mama," ani ko kay Yours na maaga rin nagising.

Nakaligo na ako at nakapag-ayos. Naka-book na rin ako ng Grab at hinihintay ko na lang.

"May problema ba tol?" tanong niya bigla na ikinakunot ng noo ko at umiling.

"Wala naman, bakit?" tanong ko.

May dala akong bag na may konting damit dahil pagkatapos ng party ay babalik pa kami sa hotel at kinabukasan pa uuwi sa bootcamp.

Nakita kong napaisip siya at umiling na lang. "Sige, sasabihin ko sa kanila," aniya na ikinangiti ko.

"Sige p're, labas na ako. Diyan na rin Grab," sabi ko sa kanya at tumango na lang.

Lumabas na rin ako ng bootcamp kasama ang bag ko at sumakay na sa Taxi. 7 pa ang event mamaya at 8 pa lang ngayon ng umaga kaya mahaba ang oras namin at balak namin mamasyal na apat, sa SM Aura lang at yun ang napili ni Seryn.

9:30AM ay nakarating na ako sa hotel nila Mama. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang pagka-miss sa kanila.

"Ang laki mo na 'nak! Binata na ang baby ko huhuhuhu," ani Mama at hinawakan ang magkabilang pisngi ko bago ako yakapin.

Narinig ko ang tawa ni Seryn at pumalakpak pa. Humiwalay na rin si Mama sa akin at si Papa ang niyakap ko at tinapik lang ang balikat ko.

"Ang laki mo na nga," aniya.

Pinagti-tripan nila ako. Anong malaki e ganito pa rin ang height ko nung umalis ako? Pambihira.

"Na-miss kita!" si Seryn na yumakap sa akin at nagpabuhat. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. Kahit naman hindi kami magkasundo nito lagi ay mahal na mahal ko pa rin ang batang ito.

"Wews, miss mo lang ako kasi sikat na ako," sabi ko sa kanya at tumawa siya.

"Tungaw, 'di kaya!" sabi niya at napairap pero ngumiti na rin.

"May breakfast buffet sa baba, magbabayad na lang ako sa akin. Tara na ba?" tanong ko sa kanila at mukhang G naman sila kahit kakagising lang.

Pababa kami ay lumingkis si Seryn sa akin. Si Mama naman ay kay Papa. Nang makarating na kami sa baba ay nagbayad muna ako at nakapasok na rin sa loob.

Na-miss ko sila. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko dahil hindi naman ako madalas umiyak sa harap nila at ang maliit na bubwit na katabi ko ay baka asarin ako kaya pinigilan ko na lang.

Si Mama at Papa ay gano'n pa rin. Si Mama ay OA, si Papa ay nonchalant pa rin. Nagmamasid lang sa paligid, mukhang hindi sanay sa ganito. Hindi naman kami sanay at ngayon lang namin naranasan 'to. Kumikita ng malaki sila Mama at Papa, hindi kami kapos sa pera pero ganito ang priority namin kaya masaya akong naibigay sa kanila 'to.

"Alam mo ba na—naiiyak na si Kuya!" humalakhak si Seryn at tinuro ako. Napatingin sa akin si Mama at bigla na lamang nagtubig ang mga mata niya at umiyak na. Yumakap kay Papa at si Papa ay natatawa na.

Ang lintik na Seryn, hindi naman ako naiiyak.

Masyado akong malakas at isang patak lang ng luha ang lumabas sa akin habang si Mama at naging emosyonal na.

"Wala na ako mapagalitan sa bahay. Si Seryn—matigas ang ulo. Ikaw, lagi mo ako sinusunod. Miss na miss na kita baby ko," ani Mama.

"Baby damulag kamo!" ani Seryn na humagalpak na naman ng tawa kaya sinaway na siya ni Papa at tumigil. Siraulong bata.

"Hindi ako pwedeng umalis sa bootcamp hanggang wala akong trophy na napapakita Ma," mahinang tugon ko sa kanya at ngumiti.

Handa na ako sa laban. Wala na akong focus kung hindi ang manalo at manalo lang. Gusto kong umuwi sa amin na may titulo akong hawak at kahit alam kong nahihirapan na si Mama o si Papa at Seryn na nalalayo sa akin ay titiisin ko muna.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon