19

19.8K 283 1
                                    

"Kanina pa aligaga 'yan si Nova. Anong ginawa mo na naman?" tanong ni Yours. Panay iwas sa akin ni Nova at panay dikit na naman kay War. Hindi ko magawang magalit at natutuwa pa ako dahil nagkakaganyan siya dahil sa pag halik niya sa akin. Hindi ko pa maasar dahil may yoga kami mamaya at kakatapos lang ng practice.

Na-practice na namin ang line up para ma-counter si Leomord just in case na gamitin ni Shadow. Si bossing ang ininvite namin at siya ang gumamit ng Leomord. Magaling gumamit pero ang punto ay malaman namin kung paanong paraan ma-counter ang hero. Mukhang okay naman at medyo kampante na rin kahit papa'no.

Dumating na rin ang instructor namin at lalaki 'yon, medyo ka-edaran namin. Si Nova ay kakababa at lang at ang suot na short ay napaka-ikli na naman.

"Sexy," ani Yours at ngumiti lang siya at mukhang nagustuhan ang puri ni Yours.

Ang damit ay sakto lang sa bewang niya kaya pag tinaas niya ang kamay niya ay paniguradong makikita ang tiyan niya. Maski si War at Knight ay nakatingin sa kanya at gusto ko na lang kunin ang mga mata nila.

Tumabi siya kay War sa pinaka-gilid at mukhang ayaw talaga akong tabihan. Nasa unahan din sila at dalawa kami ni Yours sa likod. Si Coach ay nanonood lang at hindi naman sasali sa amin.

Nagsimula ang session namin at si Nova lang ang tinitignan ko. Kanina pa tumataas ang suot niya at hindi niya man lang binababa. Ako lang naman nakakapansin dahil ako ang nakatingin sa kanya pero-aray, lintik!

"Mata mo gago," ani Yours. Binatukan ang ulo ko at umiwas agad ako ng tingin dahil tumingin sa akin si Nova.

Hindi na ako nagsalita at tumingin na sa harap. Gagong Yours, bakit ba ako ang laging nakikita niya? Mukha bang tumitingin ako kay Nova dahil gusto ko lang? Tch, ang damit niya ang tinitignan ko kasi nakikita na ang balat niya pero wala namang kaso doon. Yung instructor lang, panay tingin kasi sa kanya kanina pa.

"We will do a partner for Yoga. Since 5 kayo, kami na lang ni Nova ang partner. War at Knigh tapos kayo, Hunter at Yours," ani ng Instructor.

Ngumiti si Nova at lumapit sa instructor, mukhang masaya dahil ka-partner niya ito.

"Ikaw na naman, sawa na ako sa mukha mo," ani Yours nang magharap kami. Tinuro si Nova at natawa, mukhang mang-aasar na naman.

Bakit ba hindi babae ang kinuha nila Coach? Bakit lalaki na pati kay Nova ay naa-attract din. Wala namang problema do'n, ako lang ang may problema. Pambihira.

"Tangina mo, 'wag mo 'kong hilahin ng malakas! Makakalas na 'tong braso ko!" reklamo ni Yours dahil magkahawak ang mga braso namin at magkahawak rin ang braso ni Nova pati ang instructor.

Sinasadya niya ba 'yon?

"Ayoko na ka-partner si Hunter! Nanghihila ng braso," reklamo ni Yours. Lahat ay natigil at napatingin sa akin si Nova pati ang instructor.

"Baka nahihirapan lang si Hunter. Kami na muna ang partner ni Hunter at ikaw Nova ay kay Yours."

Ngumiti ng parang aso si Yours at lumapit kay Nova. Naghawak sila ng kamay at tumalon talon dahil sila na ang magka-partner. Lumapit ako sa instructor at ngumiti ito sa akin. Tumango na lang ako. Mas okay na kami ang mag-partner kaya sila ni Nova.

1 hour na pagyo-yoga namin ay natapos na. Sakto lang na nag-enjoy ako dahil hindi ganito ang tipo kong exercise. Mas gusto kong tumakbo dahil hindi ako masyado napagod dito.

Nakipag-picture muna sa amin ang instructor at para raw sa promotion niya at home service. Medyo na-guilty ako dahil nagtatrabaho lang naman siya at kung ano-ano pa ang iniisip ko.

"I want to do yoga next time! But I'm trying to search about Pilates," ani Nova nang matapos uminom ng tubig. Mukha walang nakakaalam sa sinabi niya dahil wala man lang nagsalita.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon