40

23.9K 330 10
                                    

"What if kayo na sa lower bracket tapos papuntahin niyo na kami sa finals?" tanong ni Knight sa Abyss. Tumawa sila at umiling.

"Lower bracket isn't for us, kid," ani Jinx. 

"E 'di kami na lang?" tanong ulit ni Knight.

"It depends on the game later. You have to do your best so you'll get the win later." 

Napabuntong hininga na lang si Knight. Hindi ata lumusot ang pagiging bunso niya sa kanila. E paano, mas matangkad pa siya sa kanila. Minsan ay nagagamit niya ang bunso card niya sa amin, kaso mukhang hindi e-epekto sa iba. 

Tahimik si Yours at katabi si Seryn, may sarili silang mundo. Si War naman ay nilalantakan ang strawberry. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay. 

"Pahingi," sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako. May chocolate pa iyong kasama na sawsawan, mukhang masarap. 

"Paubos na," aniya. 

"May isa pa," turo ko sa isa na lang. Umiling siya. 

"Masarap yung huling piraso eh," sabi niya.

"Kahit hati?" tanong ko. 

Napabuntong hininga na lang siya at binigay na ang huling piraso sa akin. Napangiti ako kaya hinalikan ko siya sa pisngi. I dipped it in his chocolate and ate the last piece. 

"Masarap?" tanong niya. Tumango ako at nilunok na ang strawberry. Pareho kaming uminom ng tubig at tinapon na rin niya ang lagayan. 

"Pag nanalo tayo mamaya, bibili ako ng maraming strawberry for you, with chocolate na rin," sabi ko sa kanya. Umangat ang mga kilay niya.

"Totoo?" tanong niya. Tumango ako. 

"Paano pag hindi nanalo?"

"Okay lang. We still have lower bracket finals and if we win that game and still enter the Finals, bibilhin ko naman yung Dubai Chocolate for you. All flavors pa lahat," sabi ko pa sa kanya. Yes, I'm doing mind conditioning to motivate them by buying all their wants. Chocolate ang paborito ni War bukod sa strawberry so kailangan ko na siyang bigyan ng pangako.

"Okay, deal," sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Hinalikan ko ulit siya sa pisngi at si Knight naman ang ginulo ko. 

"Pag nanalo tayo mamaya, I'll give you anything you want. Gusto mo ng motor diba? Bibilhan kita," sabi ko sa kanya. Tumaas ang mga kilay niya at napaisip.

"Paano pag hindi nanalo?" 

"Okay lang. This will still apply in the lower bracket finals but you have to do your best later para no stress na tayo and you'll get your motor."

"Okay." 

Ngumisi ako at napatango. Si Yours naman ang pinuntahan ko. Naglalaro sila ni Seryn at kailangan ko na siyang i-mind conditioned.

"Pag nanalo tayo mamaya., tutulungan kita sa ka-fubu mo na maging kayo basta sabihin mo lang sa akin kung sino siya and I will do the rest. This will apply also if we lose but still win in the lower bracket finals. Pag naging MVP ka naman later, I will give anything you want," saad ko sa kanya. Nagpakamatay muna siya kaya dinadakdakan na siya ni Seryn pero tumingin siya sa akin.

"Anong gagawin mo pag sinabi ko sa'yo kung sino ang ka-fubu ko?" tanong niya.

"Uh, I'll help you. Ako na ang bahala doon basta gagalingan mo later and we should win the game later. Deal?" 

Napaisip pa siya pero pumayag din. Now that I made a deal to four of them, there's a high chance that we'll win against Abyss. I hope my plan will work. 

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon