17

20.4K 375 7
                                    

"Ina mo ka, late kana!" ani Yours at kami na ang susunod sa red carpet. Naka-livestream ang party kaya hindi pwede na kulang sa amin.

Late na ako nagising kanina at ako na rin ang huling inayusan. Natagalan pa dahil nga hindi ako nagising kahit anong katok nila at may mga agenda rin ang iba. Sobrang failed na talaga, fuck. Ayoko nito, never again. Hindi na ako ulit matutulog.

"Are you good?" tanong ni Nova at lumapit sa akin. Kumabog ang dibdib ko at napakagat sa labi. Fuck, my baby. Ang ganda-ganda niya.

Inayos niya ang damit ko dahil medyo magulo at halos takbuhin ko na kanina.

"Ang ganda mo," mahinang sambit ko sa kanya. Ngumiti siya at mukhang nahiya kaya napayuko ako.

Wag kang magulo, Sevyn! Matu-turn off lalo sa'yo yan, lintik ka.

Umayos na kami ng pila. Una si War, kasunod niya si Nova tapos si Knight, Yours at ako. Lumabas na kami at may mga partnered media na nandito kaya puro flash ang nakikita namin. Medyo masakit sa mata pero tiniis ko na lang at ngumiti para maayos ang itsura ko sa mga pictures.

Aaminin ko, ang gwapo ko ngayon. Kaya kahit anong anggulo ang kuha sa akin ay hindi ako nababahala. Magaling ang makeup artist kanina at yung mga stylist.

"Pwede bang magtabi si Nova at Hunter?" sabi ng isang reporter. Agad na tumango sila Knight at si Yours ay hinila ako sa tabi ni Nova. Sinukbit ni Nova ang braso niya sa braso ko. Ngumiti ako at tumingin sa camera. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. 

"Relax," bulong sa akin ni Nova bago tumingin sa akin. Nakita ko ang mukha niya na nakangiti at parang natutuwa sa akin na kinakabahan ako. 

Nanlalamig na ang kamay ko at mukhang halata na kinakabahan ako. Hindi nakaka-gwapo Sevyn, umayos ka lintik. 

Teka saan ba ako kinakabahan? Dahil ba at maraming tao dito at puro camera ang nakikita ko o dahil sa kanya na ilang agwat na lang ang lapit sa akin? Hindi ko alam.

Kumuha pa kami ng ilang litrato at hindi nawala ang pagkakapit sa akin ni Nova. Tapos na rin ang red carpet session namin at pumasok na kami sa loob. Nauna sila War at Knight, nakasunod kami ni Nova at si Yours ay nasa likod. In-assist kami sa table namin at dumating na rin sila Coach at Yash. Hindi na sila sumama sa Red Carpet dahil ewan ko, utos daw ng management na kami na lang muna.

"You good na?" mahinang tanong sa akin ni Nova. Tipid akong ngumiti at tumango dahil parang pinapansin niya na ulit ako? O dahil ngayon na lang kami nagkaroon ng oras para magkausap? At si War, parang hindi na siya binabakuran at halos nasa ibang atensyon niya at wala kay Nova. Pambihira na 'yan. Hindi ko maintindihan. 

Nawala ang atensyon ng lahat sa kanilang ginagawa dahil sa grupong pumasok sa loob ng venue.

Abyss International.

Para silang may sariling spotlight kahit wala namang nakatutok sa kanila. Malakas ang tindig nila at alam mong maski sila ay mataas sa sarili nila dahil sa mga achievement na nakamit nila.

Bumati sila sa iba bago sila makarating sa katabing table namin. Tinignan ko yung Shadow at nakatingin din sa amin at binati kami.

"Wassup, bro?" si Knight ang lumapit sa kanila. Si Yours ay nanatili lang sa upuan niya at si War ay si Jinx ang nilapita, nakangisi.

"Kamusta pare? Na-miss kita," ani War at humalakhak. Nakipagyakapan pero mukhang hindi naman masaya si Jinx sa pagbati niya.

"Nova," tawag ng isa sa mga miyembro ng Abyss.

Ngumiti si Nova at lumapit sa kanila. Niyakap niya ang tumawag sa kanya. Si Jinx ay niyakap na rin siya at kay Nova lang natuwa si Jinx at hindi sa kahit na sino sa amin.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon