06

27K 456 1
                                    

"Okay kana?" Hinipo ni War ang leeg ko bago ako nakatango bilang sagot sa kanya.

Nakainom na rin ako ng gamot kanina habang nasa morning jog sila. Hindi na ako pinasama dahil hindi pa ako gano'n ka-okay pero kumpara kagabi ay umayos na ang pakiramdam ko. Nawala na rin ang bigat ng ulo ko kayo makakapag-practice ako ngayon.

"Gamot, Hunter," aniya na ikinatango ko.

"Okay na, capt," sinaluduhan ko siya at natawa lang siya.

"May nagrereklamo kanina. Hindi raw kumpleto yung morning jog kung may kulang na isa kaya dapat hindi na lang nag morning jog ang lahat." Wala pa man siyang sinasabing pangalan ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Pero hindi naman yun yung punto. Gusto niya lang mag-stay dito kasi mag-isa ka lang kanina," humagalpak siya ng tawa at mas nakumpirma ko kung sino 'yon.

Masyadong nag-aalala sa akin ang itik na 'yon at hindi pa naman ako baldado pero masarap din naman sa pakiramdam na may nag-aalala sa akin kaya mamaya nga ay magpapasalamat ako sa kanya. Nasa taas pa at naliligo.

Pumunta na muna ako sa station ko at binuksan ang PC ko. Tinignan ko ang planner at may binago doon si Coach kaya ni-review ko na lang muna.

"Hunter, kailangan kong pumunta sa sa company at may pinapaayos ang managent. Kayo muna ni War ang mag lead ng practice. Baka abutin ako ng gabi ngayon," ani ni Coach na ikinatango ko.

Medyo nagiging busy nga si Coach sa labas ng bootcamp at iniutos 'yon ng management. Wala ring katulong si Coach at siya lang mag-isa sa coaching staff. Kumpara sa ibang team, mas malaki silang magpasahod kaya kahit hiring ang management, wala talagang gustong mag-apply.

Si Yash naman ay may iba pang trabaho bukod sa pagiging manager namin, siya ang nag-aayos ng mga nire-require ni Malapili. Inaayos niya na ang mga pictorial photos namin na ise-send sa liga.

Dapat ngayon ang shooting namin para sa roster video at medyo madugo raw 'yon pero pinostponed muna dahil hindi pa ako okay kaya sa susunod na araw na lang at magpa-practice muna kami.

Naghintay ako na makapunta lahat sa station at si Nova ang nauna.

Lumapit agad siya sa akin at hinipo ang noo ko. "Hmm, you're not hot anymore," aniya at inalis na ang palad sa noo ko.

"Araw-araw akong hot, Novs," natatawang sabi ko sa kanya. Hindi siya tumutol at umupo na sa upuan niya.

"'Di na tumututol ah," sabi ko sa kanya.

"Bakit? If I complained ba, would you make bawi of what you said? Syempre hindi," mataray na sabi niya. at binuksan ang PC niya.

"Pero hot nga 'ko?" tanong ko at tinignan siya. Naghintay ako sa sagot niya pero hindi siya sumagot at nanood lang ng Youtube kaya muli akong natawa. "Nagrereklamo ka raw sa morning jog kanina ah."

Kumunot ang noo niya at may pinindot na video. "I wasn't complaining, I was just—tch, don't ask questions nga!" nagsuot siya ng headset at nanood na. Napangisi na lang ako at napailing dahil natutuwa na naman ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanya para makinood din. Binasa ko ang pinapanood niya at nanonood siya ng Exploration ng isang Abandoned Places. Akala ko ba takot siya sa mga ganyan tapos nanonood pala.

Nakinood na ako kahit wala akong marinig. Dumating na rin si Yours at nakinood din hanggang dumating na rin si War at Knight at lima kami na nanonood na.

"Oh my gosh! It's real!"

Kinakausap na ng vlogger yung entity through an equipment, parang may radio na hawak. Si Yours ay nag-video at sinenyasan ako na gulatin daw si Nova. Si War ay natatawa na at si Knight at makikigulat din sa akin.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon