18

20.2K 393 2
                                    

Tangina, ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak na parang buko. Parang tinataga ang aking ulo parang may buko juice ang mga tao. Ano ba itong nasa tabi, parang komportable at pagtulog ko. May kayakap ako sa malamig na kwarto, oh no, si Nova pala ito.

Fuck, anong ginagawa ni Nova dito?

Bumangon ako sa pagkakahiga pero humiga rin agad dahil hinila ako ni Nova, nagreklamo at mukhang inaantok pa.

"Paano ka napunta dito? Wala akong matandaan," mahinang sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot at siniksik ang sarili sa akin.

"I missed you," mahinang tugon nito. Oh fuck, just fuck.

"Bakit?" mahinang tanong ko.

Hindi siya sumagot. Mas lalo sumiksik sa leeg ko. Wala pa rin ako maalala kung paano siya napunta rito. Pakiramdam ko ay mapapagalitan ako mamaya, uminom pala ako kagabi kahit alam kong bawal. Lagot na talaga.

Isang oras pa siyang natulog bago nagising na. May kumatok na rin sa pinto at ako na ang nagbukas no'n. Si War. Pumasok agad sa kwarto ko at tinignan ang lagay no'n. Mukhang maayos naman, malinis pero ang amoy, amoy alak.

Tumingin siya sa kwarto ko at tumingin sa paligid. Hindi na rin nagtaka nang makita si Nova sa kama ko at mukhang inaantok pa.

"Ang baho," prangka na sabi niya.

Lumapit siya sa akin at mahinang binatukan ang ulo ko. "Lagot ka kay Coach. Hindi galit pero gusto kang bigwasan," aniya. Hindi na ako pumalag dahil may kasalanan talaga ako. Tangina, ang unprofessional nang ginawa ko. Hindi na mauulit talaga.

"Okay na kayo?" tanong niya kay Nova. Si Nova ay nagkibit balikat at binigyan siya ng middle finger.

"I fucking hate you so much," inis na sabi ni Nova sa kanya pero humalakhak lang si War.

"I just needed to do my job. Hopefully, hindi ka naman galit sa akin or kay Nova. I had to seperate you two to focus on the practice. Nova knew about it and he didn't want it but he had no choice. Utos ng management." Umupo siya sa kama ko at inasar pa si Nova pero sinipa lang siya ni Nova.

Anong pinagsasabi nila? Hindi ko maintindihan. Anong utos ng management? 

"The practice is over. You can do all you want. The management will like if you keep posting on your social media like a selfie. Hindi ko na rin pipigilan sa mga gusto niyong gawin. I already did my part, a'ight? Anyway, mag-ayos na kayo. We'll have a breakfast at 9 a.m. then we'll go back in bootcamp for a meeting," aniya. Tumingin siya sa akin at ngumisi. "Kamusta?" tanong niya.

"Tangina mo," malamig na sabi ko sa kanya. This fucker. Ngumisi siya at mukhang natuwa sa ginawa niyang pagbaliw sa akin nitong mga nakaraang araw tapos sasabihin niya ay inutos lang ng management? And Nova knew about it. 

I can't even be mad to him because he was force to do it I was fucking hurt, so deeply hurt how he ignored me for this past days and he will act like nothing happened? I'm so damn mad. 

"Leader things, Hunter. I just have to make everything in the right path, don't get angry about it." 

"Para niyo akong pinaglaruan, tangina," natatawang sabi ko. Ni hindi ko matignan si Nova dahil ayokong madagdagan ang galit ko sa isa sa kanila. Pwede naman nilang sabihin sa akin pero pinagmukha nila akong tanga? Ano 'yon? 

Kinuha ko ang bag ko at kahit amoy alak at mabaho ay lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ni Yours. 

"Tangina, sino ba 'yan?" 'yon ang bungad niya sa akin, mukhang kakagising lang at inaantok pa. Pumasok na ako doon at pumunta agad sa banyo. "Gago, ang baho mo," aniya. Naligo ako at pinalamig ang ulo ko. Hindi pwedeng ganito ang utak ko lalo at bukas na ang laban namin pero tangina, ang gulo-gulo ng utak ko.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon