"Look at your Tiktok!"
'Yan ang unang sinabi sa akin ni Nova nang lumabas siya sa kwarto. Hindi pa ako naliligo at bumaba ako para uminom ng tubig. May skin care mask pa siya sa mukha at mukhang kakagising lang din.
Pinakita niya sa akin yung Tiktok ko at yung video ko na pinost niya doon ay may 5 million views na. Kahit antok ay binuksan ko ang dalawa kong mata para makita 'yon. May kalahating million na likes at may 40k na comments, 20k na saves at 50k na shares. Anak ng, ano 'yan?
"It viraled! You look so good naman kasi here in the video and the fact that you did this in one take lang!" excited na sabi niya kahit bakas pa rin sa boses ang antok.
Sa dami ng sinabi niya ay isa lang ang natandaan ko. "I looked good?" namamaos na tanong ko. Tinitigan ko siya pero umiwas siya ng tingin sa akin.
Nawala ang ngiti niya at bigla na lamang umangat ang isang kilay niya. "Well, we all looked good. Duh?" muling tumaray ang boses niya at doon na ako natawa.
Kumuha na ako ng tubig at nagsalin sa baso. Bago ko inumin 'yon ay muli akong tumingin sa kanya at nakitang nakatingin lang siya sa cellphone niya at nagbabasa ng comments.
"You have 50k followers na rin pala. That's so fast."
"Mhmm," I just hummed and drank my water.
Umupo ako sa dining chair at naki-tingin na rin. Ang alam ko ay mabilis talaga mag viral sa Tiktok pero hindi ko alam na ganito kabilis. At hindi naman ako may gawa niyan, si Nova. Siya ang nagpost at nag-edit niyan kaya sa kanya ang credit, pati kay Knight na rin na nagpahiram sa akin ng leather jacket at shades.
"Good thing that I included the hashtag Inferno but I don't see any comments about you being connected to Inferno, gosh. They are so focused in simping on you," may halong irita sa boses niya.
"Ganyan talaga pag gwapo, ano?" sabi ko sa kanya at nangasim na ang mukha niya na mas lalong ikinatawa ko.
"Ang hangin mo," umikot ang mga mata niya na mas ikinatawa ko.
"Biro lang," tumawa ako at gusto kong hawakan ang pisngi niya pero hindi pala kami gano'n ka close. Sarap kasi asarin, pikon.
"I'll post na rin yung okane kasegu challenge mo," aniya at tumango na lang ako.
Umakyat na muna ako sa kwarto para maligo dahil anong oras na rin at may morning jog pa kami.
"Posted na!" narinig ko ang boses ni Nova at kumatok pa sa kwarto ko.
Pumasok na ako sa banyo para maligo. Nagsuot ako ng black shorts at black na sleeveless shirt para komportable ang pagtakbo ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin ako at halos sabay lang kami ni Nova lumabas ng kwarto. Sila War at Yours ay nasa baba na habang si Knight ay nasa loob pa rin ng kwarto niya.
"Nag-viral yung video mo, bro! Pero sa amin din, nag two million views na!" excited na sabi ni War.
"Maybe because of the hashtag?" ani Nova.
"Maybe? But you did it bro!" lumapit sa akin si Yours at niyakap ako.
Napailing na lang ako at niyakap na rin siya. Napakamot na lang ako dahil hindi ko rin inaasahan 'to. Hindi rin ako maalam sa Tiktok at nanonood lang ako sa app pero hindi talaga gano'n kadalas dahil batak ako sa ML lagi.
Hindi ko naman napabayaan ang pag-aaral ko noon. Talagang nahahandle ko ang oras ko at alam ko rin kung kailan titigil lalo pag kailangan kong mag-aral.
"Sa'yo Nova, ilang views yung ginawa mo?" tanong ko kay Nova.
"Oh, I haven't checked it yet, hold on," sabi niya.