00

66.4K 758 16
                                    

"Ikaw si Hunter?" niyakap niya bilang salubong sa pagdating ko.

"Welcome sa team, bro!" ani Knight, ang Marksman ng grupo.

Nagsearch na ako sa kanila at pinanood ko na rin ang playing style nila kung paano ko babagayan bilang Jungler. Tatlong season na sila sa professional scene pero parang walang nangyayari sa kanila. Ngayon lang din ako magiging professional player at may mas experience sila sa akin pero magulo ang playing style nila.

"I'm Yours, bro."

Umangat ang kilay ko sa lalaking nakangiti na parang aso. Hindi maganda pakinggan ang pangalan niya, lalo sa lalaking katulad ko. Para niyang sinasabi na pagmamay ari ko siya.

"Nakalaban kana namin once, kasama si Yash kaya ni-recruit ka niya agad," ani War, na yumakap sa akin kanina. Siya ang team captain ng grupo.

"Yash is my cousin. I asked him to recruit me, I felt like you guys needed a help."

Hindi ako nagmamayabang pero gusto ko na rin pumasok sa pro scene kaya nagpa-backer na ako kay Yash. Alam niya naman na magaling ako bilang Jungler at hindi na rin siya namimili dahil walang gustong pumasok sa team.

Inferno is the weakest team in the league. Marami nang pumasok sa team, marami na rin ang umalis. I don't know who is the problem. Yung tatlong orihinal na grupo o yung mga umaalis na hindi mabagayan ang paglalaro ng mga orihinal na miyembro. Magaling naman ang tatlo, pero makalat ang Jungler at Mage. Hindi magagaling. Nadadamay ang laro nilang tatlo.

Hindi akma.

"Ang yabang mo naman bro, magaling ka ba? Patingin nga ng laro mo, hindi po kita nakikitang maglaro. Baka pag naglaban tayo, umiyak ka," mayabang na sabi ni Yours.

Tumango ako at tinanggap ang hamon niya at mukhang game na game siya kaya naglaro kami ng 1v1. May isang rule. Hindi namin gagamitin ang position namin at pareho ang role na gagamitin kaya nagdesisyon kaming gumamit ng Mage.

Flexible ang position ko depende sa kung ano ang natira pag naglalaro ako ng ranked game. Madalang akong gumamit ng Mage pero ang paborito kong gamitin ay si Novaria. Hindi naman seryosong laro pero kalkulado ko si Novaria. Kaya ko siyang talunin dito.

Pinili niya si Lylia at nagkibit balikat na lamang ako. Mukhang hindi niya rin siniseryoso ang laro lao na at hindi naman siya masyadong maalam sa hero.

Nagsimula ang laro at nakinood lang ang dalawa. Unang limang minuto ng laro ay puro ambahan lang at dahil long range si Novaria, mabilis ko siyang natatamaan. Boring ang laro kaya napagdesisyunan namin na tapusin ang laro kung sino ang unang mamatay, at kung sino ang unang mamatay, 'yun ang talo.

"Tangina, dapat pala si Xavier ang pinili ko. Olats,"

Hindi kami nakaabot sa Level 10 pero natalo na siya at sumuko na rin dahil hindi naman ako lumalapit sa mga bomba ni Lylia. Nauubusan lang ako ng mana pero mabilis ko siyang napatay.

"Galingan mo na lang kumuha ng buff, bro. Bobo yung Jungler namin noon eh, nagsayang ng season. Gusto lang sumweldo," iling-iling na sabi ni Yours.

"Bakit hindi pa kayo umalis sa team?" tanong ko sa kanila.

May choice silang umalis dahil wala namang nangyayari sa kanila pero umiling lang si Yours. Lumapit ito kay Knight at yumakap, umamba pang hahalikan si Knight pero hindi umilag si Knight at nagpahalik din. Umangat ang mga kilay ko doon dahil parang normal lang iyon sa kanila.

"Bakit? Gusto mo rin kiss?" tanong ni Yours at umiling lang ako.

"Malaki ang utang na loob namin sa management. Pinag-aral kami at pinakain, binigyan din kami ng tirahan kaya hindi namin maiwan. Wala rin namang kukuha sa amin, mga talunan kami," ani War at tumawa.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon