Mabilis na lumipas ang araw at hindi na mabilang sa kamay ko ang pananatili ko dito sa bootcamp. Tatlong linggo na puro practice lang ang inaatupag ko at ang planner na ginawa ko ay nasusunod ng buong team.
Bagong strategy at bagong plano ang sinundan namin. Lahat ng labas sa hero main ng bawat isa ay hindi namin pinractice, pero ang mga hero na hindi namin masyadong nagagamit ay yun ang pina-practice namin. Kailangan konektado pa rin at lahat ng hero ay makakatulong pag nasa team fight na.
Nakuha ng buong team ang punto ng planner na ginawa ko kaya nagwo-work ang bagong drafting na ginagawa namin. Gumawa rin kami ng bagong rotation na hindi pa nagagawa sa liga at lahat 'yon ay gumagana.
Malapit na competition at roster introduction season na kaya rest day namin sa practice pero pupunta kami sa isang studio para kunin ang official portraits namin na gagamitin sa laban.
May mga uniform na rin kami na binigay ng management. Kulay itim at red ang kombinasyon ng uniform na bumagay sa akin. Ever since ay itim ang mga suotan ko kaya gustong gusto ko ang uniporme namin. Pati ang pang ibaba nito na itim at ang kulay ng font Inferno ay red.
Sa likod ng jersey ko ay may Hunter na pangalan, gano'n din sa iba. May jacket din kami at itim din kaya ang sarap suotin. May pangalan din 'yon sa likod kaya naman hindi kami magkakapalit ng jacket o jersey dito.
Nag-Tiktok si Yours at War dahil sila ang mahilig doon. Si Knight naman ay nasa isang sulok lang at may kausap habang si Nova ay nakaupo lang sa couch at kumakain pero nakatulala marahil ay antok dahil maaga ang call time namin.
Nag-chat ako sa group chat at nag-send ng picture dahil sinabi ko na sa kanila na ngayon ang pictorial namin. Nag-selfie din ako at sinend 'yon sa group chat at nagreact doon si Seryn.
Seryn:
Gwapo mo 'ya, pahingi daw fansign sabi ng classmate ko
Hunter:
'saka na pag nanalo kami para pwede niyang ibenta
Reply ko.
Nag-react lang siya ng HAHA at hindi na nagreply.
Tinignan ko ang online bank account ko at nando'n ang 50k na kakasend lang sa amin. Malaki magpasahod ang management dahil malaki ang company ng Inferno. Wala lang gustong pumunta dito dito dahil mahina.
Mahina my ass, nandito na kaming malalakas.
Nagsend ako kay Seryn ng 5k, kay Mama ay 5k rin at kay Papa. May mga pera naman sila pero gusto ko lang din magbigay dahil trip ko lang.
Nagchat agad si Seryn at nag-thank you dahil may gusto palang puntahan na concert at masaya dahil hindi mababawasan ang ipon.
Si Mama naman ay ayaw tanggapin at binalik lang sa akin at si Papa ay nagsend lang ng like kahit alam kong di naman kailangan ni Papa 'yon.
Financially stable ang pamilya ko. Si Mama ay may business. May maliit siyang grocery at may sideline din siya ng cash-in at cash-out sa GCash at malaki ang kinikita niya doon dahil sa palengke ang pwesto niya.
Si Papa naman ay may lotto outlet at siya ang nago-operate no'n. Magkatabi lang sila ng pwesto kaya lagi silang magkasama ni Mama. Malaki rin ang kita sa lotto dahil maraning tumataya pero alam kong nakakapagod din sa kanila 'yon pero sanayan na lang din.
Hindi rin biro ang pagpupursigi nila Papa at Mama kaya itong pagpunta ko dito sa bootcamp ay ang desisyon na pinag-isipan nilang mabuti bago ako payagan. Mas mahalaga ang edukasyon sa kanila pero nasabi ko na sa kanila na pag hindi ako nanalo ngayong season, aalis na agad ako at babalik sa pag-aaral.