"Did I heard it right? Hunter called Nova, baby? Aaahhghhggggh!"
Minsan gusto ko na ring gamitin ang kamao ko. Bakit ba ako nandito? Bakit ba sumusunod kami sa lintik na 'to. Gabi-gabi na lang ay gumagawa siya ng session.
Reading comments session for awareness.
'Yan ang pangalan ng session na ginawa ni Yours. Pinayagan ni War dahil ito na lang ang oras na nakakapagbasa kami ng feedbacks sa mga ginagawa namin online. At ngayon ay nagbabasa si Yours sa vlog na pinost niya sa Tiktok niya. Isang million na views ang inabot no'n. Halos hindi ko nga alam na pinost niya 'yon dahil wala na akong oras para gumamit ng cellphone.
"Puro shippers niyo nandito pero maganda 'to, nakakakuha tayo ng fans," ngiting aso siya nang sabihin niya 'yon.
Alam ko na ang shipper o ship na akala ko ay totoong barko. Iyon ang mga tao na pinagtatambal ang dalawang tao at kami ni Nova ang pinapapak ng tao ngayon.
Nagugustuhan ng management kaya pinapagawa kami ng Tiktok pero sinabihan ko na si Nova na hindi lagi ay susunod kami, na ipi-pressure kami dahil dito. Wala sa akin 'yon. Dalawang lalaki, pinagtatambal? Ayos lang 'yan. Ang akin lang ay wag kaming i-pressure. Hindi kami para dito, para sa liga kami.
Magandang strategy para makakuha ng fans, pero ayoko ng sinasadya. Lahat ng ginawa ko ay gusto ko at bukal sa puso kaya ayokong pipilitin kami para dito. Magfo-focus kami sa laro at 'yon ang mahalaga sa 'kin.
"Ilang linggo na lang, maghaharap na ang ship ko. Winx, let's go! Aaahhhhgghggg," tumili pa si Yours kaya si Knight ay humagalpak na naman sa tawa.
"What's with you and Kuya Jinx again?" tanong ni Nova kay War.
Umiling lang si War at sinandal ang ulo sa head rest. "Hindi lang makapalag sa akin pag naglalaban kami. Lahat na lang ay binibigyan nila ng meaning," aniya, mukhang antok na.
Sumandal na rin sa akin si Nova at inakbayan ko na. Inaantok na rin pero marami pang babasahin na comments si Yours, kailangan daw para aware ang lahat sa nangyayari sa labas ng bootcamp.
"Wews, nung nagharap nga tayo no'n, nilapit mo pa mukha mo sa kanya at parang gusto mong halikan," ani Knight. Pumalakpak si Yours at naalala ang sinabi ni Knight.
"Tapos si gago, galit na galit!" natatawang sabi ni Knight, mukhang si Jinx ang sinasabi niyang gago.
"Gusto na akong sapakin e, mabuti na lang may camera pero next game, dinurog na ako. Nagpadurog na ako para makabawi, baka mabawasan ang pride," humalakhak siya at tatlo sila ay tuwang tuwa.
Pag nakagat ng Jinx ang dila niya, hindi na ako magtataka. Tatlong bubwit ay pinagtatawanan siya.
"Kuya Jinx is the most kind person in the team. Don't laugh at him nga," may iritasyon sa boses ni Nova kaya tumigil na ang tatlo.
"Close kayo ni Jinx?" tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin at tumango. Hinaplos ko ang buhok niya at sinuklayan 'yon gamit ang mga daliri ko.
Natigil sa pagbabasa ng comment si Yours pero may binabasa na comment. May kinalikot lang siya doon at namili na rin ng comment na babasahin.
"Single ba si Knight?" basa niya. "Oh single ka raw ba, gar? Reply tayo, pero video."
Pumayag si Knight at tinutok na rin ang camera sa kanya.
"If you want to know if I'm single, watch out first game in the league and I'll tell you personally," kumindat pa ang bibe. Pambihira.
"So cringed! My gosh, where did you learn that?" ani Nova. Tumawa na lang ako at mukhang kailangan kong maglinis ng tenga mamaya.
Pinost na ni Yours 'yon at pumalakpak. "Okay, last comment na!" Naghanap pa siya hanggang may makita na. "Hunter is famous in our school who had a long term relationship with our batchmate. Break na ba sila? Wala na akong balita."