24

16.8K 231 3
                                    

"You really don't want me to make pasubo na to you?"

"Gago ano 'yan? Anong subo-subo? Bastos niyo ha?"

Kumuha ako ng ice cream at 'yon ang sinubo ko. Ang hilig maki-sali ng aso ni Nova, gusto kong sipain. Ayokong makasakit ng hayop kaya nanahimik na lang ako.

Sumasakit na ang ulo ko. Pati ang puson ko ay sumasakit pag pinipilit niya akong gawin 'yon kagabi e nasa kalagitnaan ako ng emosyon ko. Nag-sarili na ako kanina dahil panay hawak niya sa akin, umagang umaga. Mamatay ata ako ng maaga sa nerbyos.

Nova is too carefree. Hindi ko sinasabing ayoko, pero mahina pa ako. Kung baga sa ML, nasa Epic pa lang ako, nasa Mythic na siya. Gusto ko pero kinakabahan ako, hindi ako makasabay. Kailangan ko pa atang lumaklak ng alak kaya bumili ako kaninang umaga para iinumin ko mamaya kung mag-aya na naman.

Ang gago at sinungaling ko naman kung sinabi kong hindi ako nage-enjoy sa pasimpleng hawak niya. Lahat ng dugo ko sa katawan ay umaangat at gustong gusto ng katawan ko yang kamay niya kaso ako 'tong kinakabahan lagi.

Kaya kong gawin ang gusto niya, alam na alam ng katawan ko 'yon pero ako mismo ay hindi ko pinagkakatiwalaan ang katawan ko. Baka pag nagsimula ako, siya ang magmakaawa sa akin na tumigil pero kahit anong pagmamakaawa niya ay hindi ko gagawin.

Baka lang kako ma-adik ako at ako ang maghanap araw-araw. Dalawa lang 'yan. Mawawala ang stresa naming dalawa o pareho kaming madi-distract sa kalagitnaan ng liga.

Pero tangina, gusto ko. Sinong bobo ang tatanggi sa ganito. Hawak palang ni Nova, nag-iinit na ako. Tangina, malala na 'to. Malilintikan talaga kaming dalawa pag nalaman ni Coach ang mga pinaggaga-gawa namin.

Si Yours wala namang pake 'yan. Baka matuwa pag nalaman ang ginagawa namin.

Si Knight, hindi ko alam. Walang pake sa nangyayari sa paligid niya. Masyado niyang mahal na mahal ang sarili para mangialam sa ginagawa ng mga tao dito.

At kay War? Hindi ko alam. Nababaling na ang atensyon niya sa iba. Ni-hindi ko nga alam kumg paano nalaman ni Jinx ang bootcamp namin at siya ang hinahanap. Niyaya raw siya ni War na maglaro pero ang gago, ayaw naman makipag-laro at mukhang galit pa kay Jinx.

Wala rin akong pake sa kanila. Ang pake ko ay na kay Nova lang at nagti-Tiktok kasama na si Knight. Pinanood ko lang siya habang kumakain ng ice cream, pangalawa na 'to.

"Tamang subo lang ah," ani Yours at tumabi sa akin. Kabastusan niya. Kitang kumakain ng ice cream, kung ano-ano ang sinasabi. Alangan na hindi ko 'to isubo? Paano ko makakain 'to?

"Nag-ano na ba kayo?" tanong ni Yours. Naluwa ko ang ice cream at naubo. Tanginang Yours 'to, gusto ko nang sapakin.

Tumawa siya at hinimas ang likod ko. Inambahan ko siya pero ang gago ay tumawa lang.

"Nagtatanong lang ako 'ter!" natatawang sabi niya at lumayo sa akin.

Uminom ako ng tubig at sumunod siya sa akin.

"Pero ano nga? Ginawa niyo na? Baka gusto mo advice ko?" tanong niya. Sinipa ko siya at napadaing na lang siya sa sakit.

"Lumayo ka sa akin. Baka masira ang mukha mo ngayong araw," banta ko sa kanya.

"Pero narinig ko yung subo-subo ah? Ano 'yon?"

Nilapitan ko na siya at handa na ang kamao ko pero tumakbo sa kabilang parte ng lamesa.

"Kung ikaw na ang susubo, ibig sabihin ay nasubo kana niya? Tama ba? Pero mas okay kung ano," pinakita niya ang middle finger niya. Binato ko ang ice cream sa kanya kahit hindi pa ubos 'yon. Tumama 'yon sa puting damit niya kaya ang gago ay sumigaw ng malakas.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon