13

24.9K 350 7
                                    

Pitong teams ang nilabanan namin sa isang linggo. Tatlo sa China, dalawa sa Cambodia at dalawa sa Indonesia. Lahat ay natalo namin at kami ang nanalo. Iba't ibang teams, iba't ibang strategy ang ginawa namin, lahat ay nag-work.

Halos dalawang linggo na lang ang meron kami at ang paglaban namin sa iba't ibang koponan ay nakapagpataas ng kumpiyansa ng bawat isa. Sa pitong laban na 'yon, isa sa Chinese team at Indonesian team ang nahirapan kami pero nagawa pa rin naming manalo.

Tuwang tuwa ang management namin dahil sa pitong laban namin ay nanonood sila. Nag-improve daw ang team base sa nakaraang season na nangyari kaya binigyan kami ng incentives.

Sumahod na rin kami, kalahating daang libong piso at incentives na 25 thousand plus 15 thousand doon sa laban namin sa isang chinese team.

Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kalaking pera. Hindi ko rin nagagamit kaya nai-stuck sa bank account ko. Binigyan ko ulit si Seryn ng limang libo pati si Papa at Mama. Si Mama ay tinanggap na at bibili raw ng mga gusto niya na hindi naman kailangan pero gusto niya.

Sa aming apat, halos ako na ang kumikita ng malaki. Gusto ko na lang matawa dahil nitong mga nakaraang buwan ay palamunin lang ako tapos ngayon ay kumikita na ako ng ganitong kalaki kahit ang ginagawa ko lang ay paglalaro.

May lumapit na ring sponsorship sa amin at dalawa 'yon. Isang cellphone na brand at fast food restaurant. Lahat kami nagulat dahil may lumapit na sa wakas. Sila War, kay Nova at sa akin nagpapasalamat dahil dumami ang taga-suporta ng Inferno.

Maraming may gusto kay Nova pati sa akin. Dumami ang nag-eedit sa Tiktok, maraming likes, maraming views hanggang kumalat na. Gano'n pala 'yon, nagkakaroon pala talaga ng fans ang dahil sa gano'n.

Masaya ako dahil hindi lang kami ni Nova, pati sila Knight, War at Yours din. Hindi naman 'to sa amin lang, sa aming lima 'to, sa Inferno 'to na walang nagtiwala pero may unti-unti nang nagtitiwala.

Lima kami na pumatak na sa isang daang libo ang folowers. Sa Facebook, sa Tiktok at Instagram. Gumawa na rin kami ng X dahil nando'n daw ang iba at pantay-pantay ang followers naming lima.

Lahat ay napapansin, walang naiiwan.

Kaya excited na magsimula ang season. Lahat kami ay may kumpiyansa na, na may susuporta sa amin, na may manonood sa laban namin. Masaya ako para sa team, ang laki na nang pinagbago.

Para sa paglaban ni War sa koponang ito. Para sa hindi pag-iwan ni Knight, sa pananatili ni Yours, sa pagpili ni Nova at sa pagkuha sa akin ni Yash para sa koponang ito.

"Good morning po everyone! I made a sandwhich po to thank all of you po with the help of my teammates. Sana po ay magustuhan ninyo," ani Nova at nag-abot sa buong production team ng cellphone brand na kumuha sa amin.

Maaga kaming nagising para sa sandwhich na ito at ilang araw nanood ng tutorials si Nova para dito. Nag-grocery pa kami na hindi masyadong maganda ang nangyari.

"Padaanin nyo po muna kami, please," malakas na sabi ko at kanina pa kami dinudumog.

"This is a public place, we don't own the store. Please let us through," halos magmakaawa na si War dahil maraming tao ang sumusunod at hindi na kami makalakad.

Nanghingi na kami ng tulong sa management at binigyan kami ng limang gwardiya para i-clear ang daan. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil hindi naman kami artista para dumugin ng gan'to. Hindi pala masarap sa feeling lalo na at may naapektuhang ibang tao dahil may ibang bumibili.

Hindi naman ako nagrereklamo pero hindi rin namin inasahan na ganito ang sitwasyon sa labas ng bootcamp at sa labas ng social media. Paanong ganito karami ang nakakakilala sa amin? Sa Tiktok lang kami nagpo-post. Hindi ko alam, parang imposible.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon