08

26.9K 406 4
                                    

"Coach, give punishment to them! They were teasing me and now my feet!" reklamo niya kay Coach habang si Yash ay minamasahe ang binti niya at paa.

Hindi naman malala pero nakaramdam ng konting sakit dahil tumakbo ng walang warm-up kaya hindi siya patatakbuhin ngayon dahil baka ako pa ang mangyari.

"Bawasan niyo nga ang pang-aasar kay Nova at lagi niyo na lang tinutukso," saway ni Coach sa amin.

"Pinupuri naman namin siya Coach, 'di naman asar 'yon," depensa ni Knight. "Diba ganda?" ngumisi siya kay Nova at si Nova ay gusto na naman atang tumakbo.

"Stop!" inis na sabi niya kay Knight na ikinatawa ko.

Kaya siguro 'to natulog na kagabi dahil sinabihan ko rin ng maganda. Ayaw ata nitong sinasabihan ng maganda. Gusto pogi e mas fit ang maganda sa kanya.

Laging may kolorete sa mukha, makintab ang labi at nakatali ang buhok. Maganda talaga, mas maganda pa kay Seryn.

"You're beautiful, Nova. Accept their compliments," ani Coach at tumili na siya. Mas lalo kaming humagalpak sa tawa dahil hindi niya matanggap na pati si Coach ay pupurihin na siya.

"Stop!" tinakpan niya ang tenga niya at kanina pa kami tumatawa sa reaksyon niya.

"Sige na, 'tigil na. Coach, uuna na kami sa takbo dahil anong oras na. Exempted muna si ganda at baka mapaano pa," tumawa si War dahil sumuko na rin si Nova at panay irap na lang sa amin.

Namumula na ang pisngi niya hanggang sa tenga niya dahil sa patuloy na pagtawag namin na ganda. Kaya ayaw pinupuri dahil nagugustuhan ng pisngi niya. Para siyang may blush on at kahit itago niya ay hindi niya magawa.

Mestizo siya kaya kitang kita ang pamumula niya. Pati ang katawan niya at ini-exposed siya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang ulo niya. Marahan kong hinaplos 'yon at tumingin lang siya sa akin at umirap.

"This is all your fault!" aniya. Tumawa ako.

"Ano ang kasalanan ko?" nang-aasar na tono.

Umirap lang siya sa akin at muli akong natawa. Ang batang ito, ang sarap asarin.

"Mag-Tiktok ka lang dito para may ma-post ka," sabi ko sa kanya at tumango na lang siya. Tapos na rin siyang hilutin kaya umupo na lang siya.

Nag warm-up na rin kami hanggang magsimula ang jog namin. Bumilis na ang pacing ko at mas nag-improve na ako ngayon kaya nang matapos ang takbo, halos tatlong minuto na lang ang naging pagitan ko sa tatlo. Ako pa rin ang huling natapos pero mabilis na.

"Nakakalakad ka pa naman diba?" tanong ni Knight nang makalapit kami sa pwesto nila Nova.

"Of course, I'm not baldado. Don't annoy me na nga, you're so annoying ha!" umirap siya kay Knight bago tumingin kay Yours. "Yours, can we do Tiktok here? Like a cute one lang."

Uminom ako ng tubig at pinanood silang sumasayaw. Masyado akong pagod para makisali sa kanila pero mukha silang masaya.

Tumabi ako kay Knight na nagpapahinga na rin at nanonood lang sa dalawa. Mukhang gustong makisali pero mas lamang ang pagod. Si Yours ang pinakamatibay sa aming lahat dahil lahat ng utos ni Nova ay sinusunod niya kahit kahit pagod ay pumayag pa rin sa gusto ni Nova.

Kinuha ko ang cellphone ko para mag-chat sa group chat. Nag-good morning lang ako dahil trip ko lang at nakasanayan na. Miss na miss ko na ang taong gumawa sa akin at ang isa pa nilang ginawa.

Gusto kong umuwi kahit isang araw lang sa day off ko para makita sila. Nagbabalak na rin ako at hindi ko lang alam kung kailan. Isasakto ko sana sa day off ko. Magpapaalam na lang siguro ako para mawala 'tong pangungulila ko.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon