"Wala namang nakasilip doon. Bumalik kana sa kwarto mo."
Nakailang utos na ba ako sa kanya na bumalik na siya sa kwarto niya? Hindi ko na ata mabilang sa kamay ko dahil hindi niya na ako pinapansin. Kinuha niya pa ang duvet ko dahil malamig daw. Kasyang kasya siya sa couch dahil hindi naman siya gano'n katangkaran.
"Nova," muli kong tinawag ang pangalan niya at doon na siya bumangon sa pagkakahiga at tumingin sa akin. Nakakunot ang noo at parang gusto na akong sapakin.
Padabog siyang tumayo at kinuha ang unan niya
"I hate you! I will go to Knight's room na lang at doon ako makikitulog."
Naglakad siya palabas ng kwarto ko at sinundan ko agad siya at napailing na lamang. Mali ko naman at tinakot ko siya kaya bago siya makapunta sa kwarto ni Knight ay nahawakan ko na siya sa pulsuhan niya.
"Sige na, sorry na. Baka tulog na si Knight at maistorbo pa."
"He will let me sleep in his room! Don't touch me nga," sinubukang mag pumiglas sa mga hawak ko. Inakbayan ko na siya sa balikat niya at tinulak pabalik sa kwarto niya. Pumasok ako sa kwarto niya, sa bukana lang at tumingin siya sa akin para irapan ako.
"Did I tell you to go in my room ba?!"
Ang tinis ng boses niya. Ang arte niya rin magsalita. Masakit sa tenga at akala niya ay malayo ako tuwing kausap niya ako.
"Matulog kana, magi-stay ako hanggang makatulog ka. Biro lang yung sinabi ko kanina, don't think about it."
"How can I think about it?! You told me there is someone in my window, and when I looked at it, I felt like there is! It's really scary!"
Tumingin ako sa bintana niya at wala naman. Sinarado ko 'yon at binaba ang blinds.
"Buksan mo yung aircon mo," utos ko sa kanya pero umiling siya.
"I don't sleep with my aircon on, I only want fan. I need my windows open," umupo siya sa couch at nag krus ang mga braso niya habang nakakunot pa rin ang noo, marahil ay takot.
"E 'di bubuksan ko na at matulog kana, babantayan kita dito."
"I'll sleep na lang with Knight. I will chat him," kinuha niya ang phone niya at nagchat kay Knight pero sumimangot itong muli dahil mukhang hindi na nagreply si Knight sa kanya.
"Babantayan na kita dito, Nova," muling sabi ko sa kanya. Tumingin na naman siya sa akin at umirap pero bakas na rin sa mata niya ang antok.
Kung hindi ba naman ako gago, hindi kami magkakaproblema ng ganito.
Hindi siya umalis sa couch at mukhang walang balak na pumunta sa kama niya. Nakatingin lang siya sa sahig at nakatulala. Napahawak na ako sa sintido ko at tinawag na siya.
"Tara sa kwarto."
Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa akin. "Can I?" mahinang tanong niya at tumango na lang ako. Wala na akong magagawa dito. Matigas ang bungo nito.
Ako na nagpatay ng electric fan niya at kinuha na ang unan niya. "Tara," ani ko sa kanya at naglakad na palabas ng kwarto niya. Sumunod siya sa akin sa kwarto ko at sinarado ang pinto.
"Tabi na tayo sa kama," sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"Ihhh!"
"Ayoko sa couch, Nova. Hindi ako kasya diyan," reklamo ko.
"Ako naman sa couch, hindi ikaw."
"Ayokong sa couch ka, ang sikip-sikip. Wag ka nang maarte, tabi na tayo. Pareho naman tayong lalaki."