22

17.8K 236 2
                                    

"Pinanood mo ba?" tanong ni War nang makababa ako sa baba.

Tumango ako at binuksan ang PC, sinearch agad ang laban dahil hindi ko naman napanood. Hindi naman galit na hindi ko pinanood kaya dalawa na kami yung nanood.

May hawig sa playing style ni Shadow, agresibo rin at may dahilan kung bakit sila ang pangalawa sa liga. Kaya nilang paiikliin ang laro dahil sa galaw nila.

"Mukhang kaya naman," komento ko pagkatapos naming panoorin ang laban.

Sumandal si War at nag-isip. Alam ko na mabigat na naman ang pressure sa kanya. Hindi niya naman kailangang mag-isip dahil mas nanalo kami pag hindi pinag-iisipan ang drafting.

"Baka naman hindi nila tayo napanood kahapon. Kung hindi nila iba-ban si Nana at Miya mamaya, stick ulit tayo doon."

Tumango na lang siya at sinenyasan si Nova na lumapit sa kanya. Masunurin si Nova kaya lumapit nga ito sa kanya at pinaupo sa hita niya 'saka niya 'to niyakap sa bewang. Mukhang may malalim na iniisip si War, hindi tungkol sa laban. Dalawang buwan na kaming magkasama. Alam ko at kabisado ko kung paano siya umakto.

"Bakit?" tanong ni Nova sa kanya. Lumapit ako sa kanila habang nakaupo pa rin sa gaming chair ko at hinila si Nova sa kanya. Pinaupo ko siya sa hita ko at 'saka niyakap siya. Hinalikan ko ang braso niya at siniksik ang mukha sa dibdib niya.

Hindi kami tabi matulog nito dahil inisip magdamag ang sinabi ni War kahapon. Gusto ko na ngang bangasan kagabi si War pero dahil antok na ako ay hindi ko na ginawa.

Inamoy amoy ko siya dahil paborito ko ang pabango na ginagamit nya. Mabango talaga lagi 'to. Maski si Knight ay laging dumidikit sa kana dahil sa amoy niya. Nakakaadik.

"Are you and Kuya Jinx, close ba?" tanong ni Nova kay War. Tinignan ko si War at kumunot ang noo, umiling at mukhang iritado na.

"Sinapak ako," aniya at tinuro ang panga. Ilang araw na nga yang pasa niya diyan at mukhang nasapak nang malakas.

"Err. Siya ang sumapak sa'yo? I thought you got hit by the wall? It must have been hurt! He's a boxer by profession. He competes secretely, err, that's a secret by the way. But anyway, does it hurt pa ba? Did you annoy him ba? Gosh!"

Tumayo siya at chineck ang pasa ni War na ilamg araw na ring nando'n. Hindi na siya gumanti? E pa'no gaganti 'to, magaling lang naman sa salita 'to. Imposibleng makipag-sapakan 'to at ni-hindi nga marunong sumuntok ata 'to.

Professional boxer? Si Jinx? Tapos nanuntok ng normal na tao? Gago ba siya? E kung siya suntukin ko?

"Kailan ka sinuntok?" tanong ko kay War na dumadaing na sa sakit dahil panay hawak ni Nova doon.

"Wag mo nang hawakan, Nova," utos ko kay Nova at tinigilan na rin. Ako ang lumapit kay War at nakakunot na ang noo dahil nasasaktan na.

Kinuha ni Nova ang cellphone niya, may tinawagan at naka-loud speaker 'yon.

"Kuya Jinx! Why did you sapak in the face ba si War?! You're so bad! I get that he's annoying but he's always annoying and that's normal but you don't have to make sapak to him when he can't even throw a punch! I'm so disappointed to you. His bruise is not still healing! Don't show your face to me, hide it later!"

Galit siya, galit na galit.

"Bakit mo pa tinawagan, Nova?" nanghihinang tanong ni War. Mas lalong nai-stress doon si War at napahawak sa sintido pero mas galit ang nararamdaman ni Nova dahil nagta-type na sa cellphone niya.

Sumandal ako sa upuan ko dahil kung ano man ang nangyayari ngayon ay wala akong magagawa diyan. Ni-hindi ko nga alam kung bakit nasapak 'yan si War. Si gago rin, malakas mang-asar.

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon