Dalawang araw na lang at araw na ng liga, ang unang laban namin kalaban ang Abyss International. Halos mag-batak kami nitong nakaraang araw 16 hours kaming nagpa-practice sa isang araw. Gano'n ang naging routine namin nitong mga nakaraang araw.
Sa totoo lang ay kinakabahan ako pero nangunguna ang excitement sa katawan ko, na haharap ako sa maraming tao para ipakita ang galing ko. Makikita ko na rin sila Seryn, Mama at Papa. Ako ang nag-book ng flight nila papunta dito at dadating sila isang araw bago ang laban. Excited na rin silang tatlo na makita ako. Pinakita nila sa akin yung tarpaulin na pinagawa nila at idinisplay sa labas ng tindahan. Dadalhin daw nila dito.
Natapos ang morning jog ay bumalik kami sa bootcamp. Mabilis akong naligo para mahimasmasan at inaantok ako kahit kakatakbo ko lang. Medyo chill na raw kami ngayon for preparation pero magpapractice pa rin. Five games lang dahil pupunta kami sa isang trusted store ng Inferno na nagbebenta ng mga tuxedo suits. Mamimili kami ngayon.
Yun ay para sa kickoff party para bukas. Before the league starts, may pa-party si Moonton at lahat ng players, Coaching staffs at staff na kasama ng team ay invited to least welcome everyone for a new season.
Ako ang baguhan kaya ako ang hindi nakakaalam sa mangyayari pero sabi nila Knight ay meet the other team and players lang which is yung iba sa kanila ay may kakilala na, ako ay halos wala pa. Kilala ko sa pangalan pero hindi ko pa sila nakikita kaya medyo excited din ako kahit papaano.
"Gar, may pinapatanong si Yours," ani Knight nang makalabas ako ng kwarto.
"Ano?" tanong ko. Inakbayan niya ako at sabay kaming bumaba papunta sa station.
"Bakla ka raw ba?" tanong niya. Mukhang hindi naman si War ang nagtanong kung hindi ay siya.
Sinipa ko ang alak alakan niya kaya nanlambot ang tuhod niyo at tumumba sa sahig pero humagalpak ng tawa at lumayo sa akin. Bibigwasan ko 'to.
"Iba ang reaksyon ah, parang guilty. Bakla ka talaga gar?" aniya.
"Anong problema sa bakla?" tanong ko at gusto ko siyang sapakin.
Umiling siya at natawa. "Wala naman. Nagtatanong lang eh. May kino-confirm lang ako," aniya.
"Tss, itanong mo na."
"Si Nova na lang tatanungin ko. Pag tinanong ko 'yon, nakangiting sasagot 'yon e. Ikaw tangina, parang sasaksakin mo na ako."
"Itanong mo na nga, ano ba 'yon?"
Ang gago, lumapit lang sa akin at umakbay.
"Kayo na ba?" tanong niya pero pabulong sa akin.
Alam ko ang tinutukoy niya pero kung sasagutin ko ang tanong niya ay wala akong sagot. Hindi naman napag-uusapan ni Nova. Halos na-busy na rin kami sa practice at gabi lang ang oras namin, kalahating oras lang tuwing gabi dahil mabilis siyang nakakatulog. Halos hindi na kami magkausap dahil sa practice.
Siya ang mas tutok sa practice. Lahat ng butas ay nakikita niya, lahat ng dapat i-improve ay dapat gawin namin at siya na ang nakikipagtulungan kay Coach para sa mas maiging strategy. He was too focused. I felt the pressure on him. He really wants, he wants it so bad—that first win.
"Let's do practice na! Sayang ang time," aniya nang ma-kumpleto na kami. Even Coach had no choice, he just arrived from his room.
We did our first game and Nova saw a mistake from Yours using the Chou. Pinuna agad after ng first game kaya second game ay pinagamit ulit si Chou. Sa third game pa bago na-perfect ni Yours at doon na rin siya binitawan ni Nova.
Fourth game ay naging smooth lahat. He saw the picture he photographed on his mind. He was satisfied. Hinayaan siya ni Coach dahil wala na ring masyadong ginagawa si Coach nitong nakaraang araw dahil hinayaan niya kaming magdesisyon para sa sarili namin.