25

17.8K 222 1
                                    

Late na nasabi ni Yash na may meeting daw bukas ang lahat ng team sa liga. Wala namang kaso 'yon dahil hindi rin mahigpit ang schedule namin at next week pa ulit ang laban kaya pagkatapos ng practice ay pumunta na agad kami sa kwarto. Naligo na muna ako at ginawa ang dapat gawin bago matulog. Babagsak na yung mata ko kanina pa. 

Sa kwarto ako ni Nova matutulog dahil wala pa akong bedsheet. Nadumihan, hindi pa nababalik ng laundry shop. Tinanong ko na kay Ate Sol kanina, bukas pa raw mababalik. 

Pumunta na ako sa kwarto ni Nova at nag-Skincare na siya. Nakisali na ako humingi ng mask at nilagay 'yon sa mukha ko. Nag-Tiktok din kami at cute na Tiktok lang habang naka-mask. Nag-enjoy naman ako at mas lalo siya dahil kanina pa tumatawa. Yung sampal sampal na trend nga 'yon at hindi ako makapag-focus dahil ang cute niya. Gusto kong halikan. 

Nai-post na rin niya kaya tapos na rin ang mask care namin. May ginawa pa siyang iba sa mukha niya at sa mukha ko bago kami natapos. Naka-pajama siya ngayon kaya gusto kong picturan dahil ang cute niya. Pa-ganda rin siya nang pa-ganda sa paningin ko. Lahat ng ginagawa niya ay gusto ko, kahit siguro ay gumulong siya ay maganda pa rin sa akin.

"Should we do Instagram Live?" tanong niya. Tumango ako dahil kung ano man ang gusto niyang gawin ay doon ako. 

Inlove ba masyadong pakinggan? Hindi naman cringe? 

Nag-Live na siya sa Instagram at umupo na lang kami sa kama niya at sumandal sa headboard. Mag 500 viewers na hanggang naging isang libo na. Natawa ako nang magpa-cute siya sa camera bago ibalik ulit sa frame na kita kaming dalawa.

Kiss nga kayo ulit

"Kiss? We can do momo-" Tinakpan ko ang bibig niya at baka kung ano ang masabi niya. Tumawa siya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

Sino unang nagka-crush sa inyo?

"I think me? Because Hunter was straight before he liked me so I think me? He's my type so definitely me," sagot niya. Hindi na ako sumama sa frame at humiga na lang. Pinatanong ko ang ulo ko sa kandungan niya para makita ko pa rin siya. 

Pinanood ko lang siya na sumagot sa mga comments. Kinuha ko ang isang kamay niya at hinalikan 'yon 'saka inamoy. Hinalikan ko ang iba't ibang parte ng palad niya. Tumingin siya sa akin at napangiti. Iniwas niya ang camera sa kanya at kinagat ang labi niya.

"Subo me later or I'll subo you?" mahinang tanong niya. 

Napapikit ako sa sinabi niya at 'saka siya humalakhak ng tawa. Binalik niya na ulit ang camera sa kanya at ngumiti ulit doon. Nilunok ko ang sarili kong laway at naramdaman na naman ang pagkabog ng dibdib ko. 

Kagat-kagat ang labi niya at nagpipigil ng tawa bago nagbasa ng comments. 

Pakisabihan si War na wag nang lumapit kay Jinx kung gagamitin niya lang naman si Jinx

"War and Jinx? What do you mean? I think they are good friends. I'm seeing comments na nangba-bash kay War. Please do not post mean comments to anyone if you don't know naman the whole story. War and Jinx are good friends. Maybe War wasn't feeling well lang kanina because he has a lot of something on his mind. Our leadernim is very kind, I swear to you guys," sagot niya. "And for 200k stars, it's not sugar daddy. He doesn't have anyone, and if there is, maybe it's his fan? He deserves it anyway," ngumiti siya sa camera. 

Nagkaka-problema kami sa mga fans ng Abyss dahil sila yung maraming sinasabi at nai-involve si War kay Jinx. Wala namang kaso dahil kung magkaibigan nga sila, mas mabuti 'yon. Pero nami-misinterpret na ng iba at kung ano-ano na sinasabi nila. Lumala na kanina dahil nga hindi niya talaga pinansin si Jinx at hindi ko rin alam ang dahilan. 

Victory and Vows (Inferno Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon