Chapter 2
“N-Nica?” sambit ko nang Makita ko kung sino ang tumawag saakin.
Ngumiti siya at hinarap ang lalaking kasama niya. Sumenyas siya doon na parang pinapauna niya na ito sa loob ng Bar.
“Long time no see. It’s been 5 years!” aniya.
Napakamot ako sa ulo ko at ngumiti. “Yeah. Ou nga eh!. Boyfriend mo?” tanong ko.
“Nope. Friend lang…”
“Ah!. Kamusta na nga pala?” tanong ko sakanya. Gusto ko sana siyang tanungin kung kamusta na si Bernice kaso baka ayaw niya akong sagutin. Alam kong may galit din ito saakin.
“Ito ok lang naman!. Owner na ako ng isang kompanya’ng malapit lang dito, ikaw?”
“Ako? Ako na din ang nagpapatakbo ng Kompanya nila Dad, and member ako ng The Popular Band, I’m the vocalist. Actually katatapos lang namin mag perform diyan!” sabay turo ko sa Bar.
“T-talaga? Vocalist ka pala ng The Popular? Sayang naman hindi namin naabutan…” nakangiting ani niya saakin.
Nginitian ko na lamang siya. Shit! Gusto kong tanungin si Bernice, kaso ayaw lumabas sa bibig ko.
Nahihiya ako.
Nagpakawala ako ng malalim na bunton hininga at saka nagsalita.
“Nga pala Nica, kamusta na pala si Charis?” tanong ko. Yung kaninang ngiti niya, biglang nawala.
“S-si Bernice?”
Tumango ako.
“She’s fine!” sambit niya. Pero parang may kakaiba sa tono ng boses niya, nagsisinungaling ba siya.
“Nica! Where have you been. Kanina pa kami naghihintay sayo sa loob!” nanigas ako sa isang babaeng lumapit sa kinaroroonan namin.
It’s Bernice.
Nakita kong nagulat si Nica sa biglaang pagsulpot ni Bernice sa tabi niya.
“Ah may kinausap lang kasi akong kaibigan!” sagot naman ni Nica.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Finally, nakita ko na din siya.
Finally, masasabi ko na din sakanya ang gusto kong sabihin.
Finally, mayayakap ko na ulit siya.
“Nica, Who is he?” halos mapa-upo ako sa kinatatayuan ko nang dahil sa sinabi niya.
Bakit hindi niya ako kilala?.
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...