Chapter 28

4.1K 79 0
                                    

Chapter 28

Gabe na ngayon, kakauwe lang din ni Nicole galing sa office ko sinundo siya ni Chester doon…

“Kamusta ang work nakakapagod ba?” tanong saakin ni Reyner habang nasa sasakyan kami.

“Hindi naman. Kasama ko naman si Nicole maghapon.”sagot ko.

“Ou nga. By the way, ano nga pala ang ginawa niya doon sa office mo nang ganuon ka tagal?” tanong niya saakin.

“Wala. Tinitigan niya lang ako habang kumakain ng marsh mallow.” Sabi ko.

“What? Yun lang?” tanong niya.

Tumango naman din ako. Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko.

“Anong nakakatawa?” tanong ko.

“Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na ganun pala ang ugali kapag buntis ang isang babae.” Napa-smirk nalang ako.

Sa totoo lang buong maghapon talaga akong hindi makagalaw ng maayos kasi si Nicole ako lang ang binabantayan, kahit tatayo lang ako tatanungin niya kaagad ako kung saan ako pupunta? Tss. Naku kung hindi ko lang talaga kaibigan yun. Ay baka kung ano na ang nagawa doon. Tss.

Naramdaman kong bigla na lang tumunog ang Cellphone ko. Mukhang may nagtext, binasa ko naman kaagad ito at napangiti ako ng Makita ko doon si Nica.

‘Bernice punta ka Nature’s Club. Nandito kami ni Rozen.”

“Sino yan?” biglang tanong ni Reyner.

“Si Nica. Babe pwede bang punta muna tayo ng Nature’s Club?” nagpa-awa effect pa ako para pumayag siya. Bute nalang ang lakas ko sakanya kaya napapayag ko. Whahaha!

Pagkarating namin ng Nature’s Club, sinalubong kaagad kami ni Rozen sa labas pa lang. Makikipag beso sana siya saakin ng biglang humarang si Reyner.

“Ay ang arte ng boyfie.” Maarteng sambit niya sabay hila saakin. Sumunod lang si Reyner sa likod namin habang itong baklang ito ay kanina pa nagnanasa sakanya.

“Girl pwede bang ipahiram muna man saakin si Papa Reyner, kahit isang gabe lang. promise ibabalik ko siya sayo ng buong buo..” parang ewan talaga itong baklang ito.

“Bernice dali na…” ngumingiti lang ako bilang tugon sakanya. Langya pati ba naman boyfie ko pagiinterasan ng baklang ito.

Nakarating kami sa table kung nasaan si Nica at napangiti siya ng malapad ng Makita niya ako sabay yakap. hindi naman masyadong halata na namiss niya ako ah.

“OMYGOD. Kamusta naman?” tanong niya saakin.

“I’m fine. And we’re ok na.” saad ko sabay itinuro si Reyner na nasa likod ko.

“Ay si Reyner pala iyon. Akala ko kakilala mo lang, hindi ko kasi nakilala.” Aniya.

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon