Chapter 14

3.9K 96 0
                                    

Chapter 14

“Mam Fiona, Mr. Reyner will come to your office right now!” ani ng secretary ko sa kabilang linya.

Shet. Anong gagawin ko?

“A- A sabihin mo na wala ako sa opisina!” natatarantang sambit ko.

“Ok po Mam.” Pagkasabi niyan ng secretary pinatay ko na kaagad ang laptop ko at naghanap ako ng pu-pwedeng pagtaguan.

Patay talaga ako nito, baka mabuko na niya ako na pinagtataguan ko siya.

Kahit labag sa kalooban ko ang ginagawa ko, pumasok nalang ako sa ilalim ng mesa ko para makapagtago lang. Ilang beses ko pa kayang gagawin ito. At ilang lingo ko na ba siyang pinagtataguan matapos noong nangyare sa rooftop.

Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga ng marinig ko siyang kausap na yung secretary ko sa labas.

“Si Fiona ba nandiyan?” tanong niya

“Ay naku sir, umalis po!”

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa, narinig ko na lang na may bumukas ng pinto ng opisina.

“Sir wala po diyan si Mam Fiona!” ani ng secretary ko.

Sa tingin ko nakapasok na si Reyner sa loob, miss na miss ko na siya. Dalawang lingo ko na siyang pinagtataguan. Kung pwede lang lumabas ngayon at yakapin siya, ginawa ko na kaso nahihiya ako.

Paano nalang kung may alam na siya na nagpapanggap lang ako?

Paano kung magalit na naman siya saakin.?

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay pag-ibig ko, ang complicated.

Maya-maya may narinig nalang akong pagsara ng pinto, hudyat na wala nang tao sa loob. Unti-unti na lamang akong lumabas mula sa ilalim ng mesa ko. Sinilip ko muna ang paligid para makasigurado na kung wala ba talagang tao at sa awa ng diyos, wala nang anino ni Reyner ang nanduon.

Lumipas pa ang ilang oras na nanatili lamang ako sa loob ng opisina at nagpahatid na lamang nang makakain sa sekretarya ko. Huhu! Nahihirapan na ako sa pagtatagong ginagawa ko. Pinatay ko na ang ilaw sa loob ng opisina, medyo gabe na din! Hindi ko namalayan, masyado kong inaliw ang sarili ko sa pagta-trabaho para lang hindi maisip si Reyner.

Pagkalabas ko ng Pinto ng office ko, sinilip ko muna kong may tao pa ba sa paligid o kung nandiyan pa ba si Reyner. Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong nakita.

Dumiretso ako sa Elevator at agad na pumasok dito, nilabas ko din ang Cellphone ko para magpasundo kay Kuya, Coding kasi ang sasakyan ko ngayon kaya kailangan niya akong masundo. Ayoko naman mag-taxi baka Makita pa ako sa daan ni Reyner.

‘Kuya sunduin mo na ako sa basement’ Message Sent

 

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon