Chapter 24
‘Babe be ready tomorrow may pupuntahan tayo’
Alas tres na ng madaling araw nang makauwe kami sa bahay nila kuya kagabe, medyo napasarap kasi ang kwetuhan nila kaya ayun. Pasado alas onse na ng umaga ng magising ako kaya itong text kaagad na ito ang bumungad saakin sa Cellphone ko.
Saan na naman kaya ako dadalhin ng lalaking iyon…
“Goodmorning!” bati saakin ni Ate Chessy.
“Goodmorning din po. Ate chessy may itatanong ako sainyo.”
“Ano yun?” kumuha siya ng inumin sa ref at nagsalin ng tubig sa baso.
“Hmmm. Kalian po kayo gagawa ng baby?” out of the blue na tanong ko. Naexcite kasi ako na magkaroon ng pamangkin dahil ito lang ang bukambibig nila Dad kagabe sakanilang dalawa ni Kuya. Pero imbes na sagot ang marinig ko sakanya, isang tubig na mula pa sa bibig niya ang biglang tumama sa mukha ko.
Seriously?
“Ay Sorry….” Aniya at kaagad na kumuha ng bimpo sa Cr at ipinunas sa mukha ko.
“Ate naman.”
“Ikaw kasi, huwag ka ngang mag-joke ng ganun. Nakakasuka E.” sinamaan ko naman din siya ng tingin.
“Seriously ate. Nakakasuka ba iyon? Ang gwapo ni Kuya at ang ganda mo, for sure maganda din ang kalalabasan ng anak niyo.”
“Ano ka ba Bernice. Kumain kana nga lang diyan.” Aniya at halos patakbo na siyang umalis doon.
Si Ate talaga, if I know gusto na din nun kaso- ay ewan. Wala ako sa puder para magsalita about sa kanilang dalawa.
Nang matapos ako sa pagkain dumiretso muna ako sa Sala at nanuod ng Tv. 2 pa naman ang alis namin kaya medyo may time pa ako para manuod. Naramdaman ko din naman nanuod si Ate Chessy sa tabi ko.
“Wala ka bang pasok?” tanong niya saakin.
“Hindi po ako pumasok, may lakad po kami ni Reyner.” Sagot ko.
“Ang swerte mo sakanya.” Napatingin ako kay Ate nakatutok lang siya sa Tv.
“Bakit mo naman po nasabi?” tanong ko
“Nakikita ko sa mga mata niya, na mahal na mahal ka niya. Unlike your brother.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ate.
“What do you mean?”
“Nothing. Sige na maghanda kana, baka mamaya dumating na iyon dito. Mas ok na yung prepare kana.”
Tumango na din naman ako sa sinabi niya at tumayo na. Pero palaisipan talaga saakin yung sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...