Chapter 4

4.9K 96 0
                                    

Chapter 4

“Nandiyan ba si Dad?” tanong ko sa secretary ni Dad.

“Sir Reyner, may kausap pa po si Sir sa loob…” aniya

“Inform him na nandito ako.”

Napakamot sa ulo yung secretary, mukhang may ka meeting si papa na napakahalagang tao.

“Sir kasi, sabi po ni Sir huwag daw po muna siya istorbohin…”

Sinamaan ko siya ng tingin… “So anong gagawin ko?. Tutunga-nga ako dito at hntayin na matapos yung meeting niya sa loob?. Ha! Ganun ba yun?”

Natakot na ata yung secretary, “Ok sir sasabihin ko na po.” Aniya at umalis na sa harap ko…

Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na siya ng office ni Dad at kasama na din niya yung isang board member.

“Sir pasok na daw po kayo!” ani ng secretary. Hindi ko na lang siya kinibo, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papasok sa office.

“What?” singhal saakin ng ama ko… ganito ba niya kamahal ang negosyo na pati ako bilang anak niya, hindi niya marespeto?.

“I just want to ask, Fiona Sy Cristobal.”

“Hanggang kalian ka ba magpapakabaliw diyan sa babaeng yan ha!. Fiona is not Bernice, Ou nandoon yung fact na iisa sila ng mukha at pareho sila ng pinanggalingan, pero nakita mo ba, iba na ang personality nila. Ni hindi niya nga tayo kilala, so please son. STOP.”

“Dad, paano niyo nasasabing tumigil na ako HA! E sa pagkakatanda ko, ikaw pa nga mismo ang nagsabing huwag akong tumigil sa paghahanap sakanya unless kung mapagod na ako. Ang sabi niyo pa saakin noon, darating din ang time na mahahanap mo siya kaya huwag kang titigil. Parang si Jennifer lang yan, dinala din siya ng kapalaran sayo, pero yun nga lang hindi na pala siya ang mahal mo.”

Natigilan si Dad sa mga sinabi ko at umupo nalang sa swivel chair niya, samantalang ako naman ay nakaharap sakanya habang mesa ang pagitan naming dalawa.

“3 years ago, I saw her with his family… masaya sila noon, pero ang pinagtataka ko, hindi niya man lang ako nakilala. Lumapit ako sa kanila at binate siya kaso ang sabi niya saakin. “Sino po kayo?” I was shock that time, namukhaan din ako noong kapatid niya at ang sabi nito saakin.

“2 Years nang walang ala-ala ang kapatid niya, noong time daw na naghiwalay kayo, lumipad kaagad siya ng States pero hindi niya nakayanan ang lungkot ng mga oras na iyon, palagi siyang umiiyak, nagkukulong sa kwarto, hindi kumakain at hindi siya makausap. Until one day hindi na niya nakayanan, tumalon siya sa Rooftop ng bahay nila sa sobrang frustration. Bute nalang may nakakita kaya nadala kaagad siya sa hospital, pero noong nagkamalay siya, wala na siyang maalala, even his family, friends at lalong lalo kana…”

Para akong tangang, nakaupo sa sahig ng opisina ni Dad habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko, gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mata ko. Gusto ko siyang puntahan at yakapin kaso natatakot ako,

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon