Chapter 9
“Ok ka lang ba?!” tanong saakin ni Reyner nang makasakay kami sa kotse niya.
“Yeah I’m fine, may hangover lang ako kagabe!” sambit ko.
“Sinabi ko naman kasi sayo huwag kana uminom diba?” aniya habang ini-start ang engine ng sasakyan.
Ngumiti na lang ako sakanya at itinuon ko na ang atensyon sa labas ng bintana. Hindi ko kayang titigan siya ng matagal feeling ko magkakasala ako. O lord nagiging liberated na talaga ang utak ko.
Kinuha ko nalang ang Cellphone sa bag ko at tinext si Nica at Rozen, kailangan matuon ang atensyon ko sa iba.
“Nica! And Rozen kailangan ko ng help, aliwin niyo naman ako thru text, magkasama kasi kami ni Reyner hindi ko kayang makipagkwetuhan sakanya.” Si-nend ko naman kaagad doon sa dalawa.
Makalipas ang ilang minuto may nagreply naman kaagad.
“Hoy bakla kaya pala wala ka ditto sa office mo kasi nakikipaglandian ka diyan kay Papa Reyner ko” hulaan niyo kung sino? Si Rozen lang naman.
Maka-Papa Reyner naman itong baklang ito.
Natawa tuloy ako.
“Baliw, may meeting kami sa investor kaya kami magkasama… at ang lakas mong maka-Papa Reyner ah!” Reply ko.
“Ou, Alam mo may Chicka ako sayo Baklitang palaka…” Rozen
“Ano yun?”
“na Maganda ako…haha :D Oh naisahan kita…” baliw talaga itong baklang ito. Natatawa tuloy ako.
Napatingin ako kay Reyner na nakakunot ang noo habang seryosong nakatingin doon sa daan. May problema ba siya? Para kasing kanina lang nakangiti pa siya tapos ngayon, parang pinagbagsakan na ng problema.
“Ok ka lang?” tanong ko
“Not” sagot niya habang hindi man lang ako nagawang lingunin.
Nakakatakot tuloy, huwag na nga lang natin pansinin baka mas lalo pa siyang mabad-trip saakin. Itinuon ko nalang din ang atensyon ko sa bintana, tinigilan ko na din ang pagtetext kay Rozen, nawala na ako sa mood. Sasabunutan ko talaga ang baklang iyon pagnagkita kami. Tapos si Nica naman hindi man lang ako nireplayan. Tss.
“Hindi mo ba talaga ako maalala?” napaligon ako kay Reyner, malungkot na malungkot ang mukha niya at seryosong seryoso siyang nakatingin doon sa daan. Siya ba yung nagsalita?
Hindi ko na lang pinansin iyon at itinuon ko na lamang ulit ang tingin ko sa bintana pero nagsalita na naman siya.
“C-Charis!” aniya, natigilan ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Ayoko siyang lingunin kasi for sure baka umiyak na naman ako. Nakakapagod nang umiyak…
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...