Chapter 29

4.4K 98 11
                                    

Chapter 29

 

Reyner POV

[Just fall in love again-Angelyn Quinto]

[PLEASE PLAY…. NOW]

“Call this person.” Saad ko sa secretary at mabilis kong ipinakita ang mga list na tatawagan niya.

“Yes Sir.”

Lumabas na din naman siya sa office ko. Umupo ako sa may couch doon at napangiti sa naisip kong plano.

Sana mapa-Ou ko siya.

Inasikaso ko na ang mga dapat gawin bago ko siya puntahan sa office niya.. pinirmahan ko na ang mga dapat pirmahan at para waang masabi saakin si Dad kapag nakita niya ang office ko. Atleast walang nakatambak na trabaho. I’m planning na dalhin siya sa Surigao ngayong weekend.

“Sir your dad.” Ani ng kakapasok lang na sekretarya ko at mabilis na itinuro ang telepono na hawak niya.

“ok”

Kinuha ko naman kaagad ang Telephone na kung saan ay naka-konect ito kay Dad.

“Reyner.” Tawag niya saakin sa kabilang linya.

“What is it Dad. I’m busy.” Sagot ko habang patulong lang sa pagpirma ng mga dokumento na nabasa ko na.

“Can I join you? Na-miss ko na Mom mo.” Napahinto ako sa pagpirma at unti-unting napangiti.

“Sure.” Sagot ko

“Ok. See yah, make sure na mapa-Ou mo siya naku kung hindi, itatakwil kita bilang anak… Haha. Just kidding. Ok Godluck Son.” Aniya at binaba na ang telepono.

Nang matapos ako sa mga ginagawa ko, nagmadali din naman akong lumabas ng office pero bago pa ako tuluyang lumabas, napadako muna ang tingin ko sa secretary ko na busy sa pagtawag.

“Ok na ba?” tanong ko sakanya.

“Yes sir. Sasabihan ko nalang po  kung saan naghihintay ang private plane at kung what time po ang alis noon.” Sagot niya.

“Ok make sure na lahat sila sasama. Even you and her secretary” sabi ko at mabilis na lumabas ng office pero bago iyon, napansin kong napasigaw yung secretary ko ng YES.

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa office niya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako na kinakabahan sa gagawin kong plano.

Nagpakawala Muna ako ng isang malalim na buntong hininga, bago pumasok sa office ni Charis.

Ngumiti lang saakin ang secretary niya at agad na niyang itinuro kung nasaan si Charis. Ngumiti na lamang ako ng bahagya at ngumiti sa secretary. Unti-unti kong binukasan ang isa pang pintuan na kung saan ay nakita ko mula dito si Charis na busy sa kakabasa ng mga document.

Kahit saan mo talaga siya tingnan, ang ganda ganda niya. Kaya niya nga nabihag ng ganito ang puso ko.

“Oh. Nandiyan kana pala… aalis na ba tayo?” tanong niya saakin habang nililigpit ang mga gamit niya.

Ngumiti lamang ako at agad na umupo sa couch niya.

“Mamaya na muna konti… magpahinga ka muna.” Sagot ko.

Sinamaan lang naman niya ako ng tingin atsaka nag-umpisa nang magligpit ng gamit. Pinagmasdan ko lamang siya sa ginagawa niya. Minsan naisip ko, bakit sa Company namin siya nagtrabaho at hindi sa Company nila at ang pinagtataka ko E bakit siya pinayagan ng mga magulang niya…

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon