Chapter 11

4.2K 104 0
                                    

Chapter 11

Nagising ako na puro mapuputing ilaw ang nakikita ko. Nasa heaven naba ako? Pero teka lang, bakit may mabigat na ulo ang nakadagan sa kamay ko?

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko ang isang lalaking tulog habang hawak hawak niya ang kamay ko.

Reyner? Kukunin ko sana ang kamay ko kaso baka magising siya kaya hinayaan ko na lang siya sa ganoong posisyon. Anong oras na ba ngayon?

Tumingin ako sa relo niya na nasa kabilang kamay niya, alas dos na pala nang madaling araw.

So ibig sabihin ang tagal kong nandito sa hospital…

Tumingin ako sa paligid, bakit kami lang ang nandito? Wala man lang sila Kuya? Pati si Rozen at Nica.?

“Gising kana pala?” bulalas na kagigising lang na si Reyner.

“Ilang oras akong nakatulog?” tanong ko.

“10 hours ata…” hindi siguradong sagot niya.

“Ah,  nasaan sila Nica?” tanong ko.

“Umuwe na kanina pa…”nahikab-hikab na sambit niya. mga langya yun, hindi man lang ako binantayan dito. Talagang si Reyner pa ang nagbantay saakin.

“Ah. E ikaw bakit nandito ka pa?” tanong ko

“Binabantanayan kita obvious ba?” hindi ko na lang siya pinansin. Binabara niya ako E.

Katahimikan ang bumalot saaming dalawa. Walang gustong magsalita, at wala din akong sasabihin…

Kunyare nga may Amnesia ako dito diba?.

“Charis ay mali pala Fiona.”

“Yes.!”

“Pwede bang- Ay, wala wala. Sige matulog kana…” aniya. Ang labo nang lalaking ito.

“Hindi na ako makatulog nito noh. Pwede bang lumabas nalang nang hospital ngayon?” tanong ko.

“Ha! Ok na ba ang pakiramdam mo?” tumango ako.

“Okay wait mo ako dito, tatanungin ko yung Doctor…” aniya at tumayo na para lumabas nang kwartong iyon.

Oh sheet! Di ako makahinga, imagine. Magkasama kami sa iisang kwarto nang kami lang dalawa, sino ba naman ang hindi kakabahan ng ganitong sitwasyon. Tapos mahal pa namin ang isat isa. Ay mali. Ako lang ata, di ko sure kung ganun din ba nararamdaman niya.

Nagbihis nalang ako sa Cr para kapag dumating siya  ready na kaming lumabas.

Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon