Chapter 22
Iniwan ako ni Reyner doon sa puntod ni Jennifer. As he said, Girls talk. Si Reyner talaga. Luminga, linga muna ako sa paligid upang makasigurado kung walang tao. Mahirap na mapagkamalan pa akong baliw dito. Nang masuri kong ako lang naman ang nandito, ngumiti muna ako at tsaka kumuha ng malalim na buntong hininga. I need to breath so that marami akong makwento sakanya.
“Kamusta na?” panimula ko. Alam kong para akong tangang nagsasalita dito pero gusto ko parin ipagpatuloy itong ginagawa ko.
“Kung ako tatanungin mo. I’m perfectly fine.” Napangiti ako ng malapad.
“Nakikita mo naman diba? I’m with him. By the way Jen thank you for taking care of him when I leave him. Thank you.” Napapikit ako ng maramdaman ko ang likidong pumapatak na sa pisnge ko.
“S-Sorry lang kasi sa ganitong paraan pa tayo nagkita. Hindi ko kasi alam na wala kana pala. I’m really really sorry.” Nakaramdam ako ng hangin na bigla nalang nagpakabog nang dibdib ko. I know she’s listening, katulad nga nang sinabi saakin kanina ni Reyner.
“Jenifer you know what, ngayon ko lang din narealize na pareho pala tayo kung magmahal. Kung ikaw iniwan mo si Reyner dahil sa may sakit ka, ako naman iniwan ko siya dahil sa alam kong doon siya mas sasaya… Parang ewan lang noh?. Pero wala e ganun tayo…”
“Pasensiya na kung masyado akong nagiging emotional ngayon sayo. Hindi ko lang kasi lubos maisip na makakakwentuhan kita ngayon. I couldn’t imagine na after 5 years iiyak na naman pala ako habang nakikipag-usap sa harap mo. Ang weird right? Noong huli kong kita sayo umiiyak ako, ngayon naman umiiyak ulit. Ewan uso na ata ang umiyak ngayon.” Pinunsan ko ang luhang lumalandas sa mukha ko.
Napatingin ako sa kinaruruonan ni Reyner, nakasandal ito sa may kotse habang pinapanuod akong nagpupunas ng luha at kinakausap si Jennifer.
“Jen look at him, I know he’s not that kind of guy that willing to make you perfect but he’s doing her best to make you feel that you’re perfect when he loves you. Alam ko iyan kasi ramdam ko, ramdam na ramdam ko kung paano niya ako gawing perpekto sa paningin niya. At iyan si Reyner. Kaya pala maraming nagkakandarapa sakanya kasi ito siya, ito yung probinsyanong hinahangad ng mga babae.”
Umihip na naman ang napakalamig na hangin sa mukha ko… I know she agree of what I’m saying.
Humarap ulit ako kay Jennifer at agad na nagpunas ng luha. Kinuha ko yung flower na ibinigay saakin ni Reyner kanina noong bumaba kami ng kotse niya. Kaya pala siya huminto kanina sa bilihan ng mga bulaklak.
“Flowers for you.” Saad ko at iniabot ko sakanya ang bulaklak. Nilinis ko muna ang mga damo na nakapaligid sa lapida niya.
May nakita akong sariwang bulaklak doon.
“Madami din palang dumadalaw sayo, tingnan mo oh. Dalawa na ang flowers na nandito…” tumayo na ako at naramdaman ko naman na nasa likod ko na si Reyner.
“Are you done?” tanong niya saakin.
Tumango na lamang ako at pinagmasdan ang libingan na minsan ay naging bahagi ni Reyner…
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...