Chapter 13
“Guys She’s Fiona!” pakilala saakin ni Reyner sa mga kabanda niya.
“Hi! I’m Rosster, the drummer” sabay lahad niya ng kamay niya saakin. Ngumiti na lamang ako.
“Aladin here! The Electric guitarist ” at kumaway saakin yung lalaki na nag piring saakin. Sinamaan ko lamang siya ng tingin pero pabiro. Hehe! Nagpeace sign lang siya saakin.
“And I’m Johan, The bass guitarist” sa pagkakatanda ko, siya din yung ka-banda ni Reyner dati sa school. Ngumiti lang ako sakanya at nakipagshakehands.
“Long time no see Bernice” pabulong niya saakin. Ngumiti na lang ako,
“Your still beautiful as always.” Dagdag pa niya
After nang bulungan namin noon Johan napadako naman ang tingin ko doon kay Trisha na seryosong nakatingin saakin.
Niyaya ako ni Reyner sa direksyon niya kaya wala akong magawa kundi magpatianod sa gusto niya.
“Trisha, meet Fiona.” Nakangiting pakilala niya saakin.
Tumingin ako doon kay Trisha pero inirapan niya lang ako pero hindi niya ito pinakita kay Reyner. Ngumiti siya ng plastic at kinuha ang kamay ko na kanina pa nakalahad sakanya.
“Trisha, Remember?” aniya
“Magkakilala na kayo?” nagtatakang tanong saamin ni Reyner.
“Ah Ou sa Cr noong nakaraang araw!” nakangiting sambit ko.
“So by the way I’m their manager!” may pagkamataray na sambit niya.
Ang sarap upakan ng babaeng ito swear, kapal nang mukhang magtaray sa harap ko, E sa pagkakatanda ko. Ako dapat ang nagtataray dito E hindi siya. Siya kaya ang may gusto sa Reyner ko. Tss!.
Nagsasawa na talaga ako magpanggap, paano kasi pati personality mo kailangan mong baguhin. Shit! Ayoko nun…
Doon ko napiling umupo sa malayo sakanila, Ok lang kasi kasama ko naman ang Vocalist o sabihin nalang natin Star ng banda nila. Mainggit ka Trisha. Kanina ko pa talaga napapansin ang sama ng tingin niya saakin, siguro hindi siya makapaniwala na ako yung babaeng hinahabol ni Reyner.
O Lord nagtataray na naman ako.
“Ok ka lang ba? Parang kanina ka pa wala sa sarili?” tanong saakin ni Reyner habang umiinom ng beer sa harap ko. Ou nagiinuman sila, pero siya isang Can palang.
“Wala. Naiinis lang ako sa atmosphere dito.”
“Ayaw mo ba dito? Gusto mo alis nalang tayo.” Aniya
“Huwag na Reyner, baka ano pa ang isipin saakin ng mga ka-banda mo, na nilalayo kita sakanila.”
BINABASA MO ANG
Waiting for your LOVE [MPaMP BOOK 2] [Completed]
RomanceMs. Popular and Mr. Probinsyano BOOK 2. Paano ko ba sasabihin sakanyang mahal ko siya? Ngayong wala na siya? Paano ko ipapakita na napakahalaga niya saakin? Ngayong umalis na siya. At paano ako magpapatuloy sa buhay kung sa kaibuturan ng puso ko ay...